Ikaw

Ikaw ang aking simula at wakas ng pantig Ikaw ang pintig ng simula hanggang wakas Ikaw ang wakas ng pintig ng aking simula Ikaw ang simula ng aking wakas na pintig Dahil ikaw ang pantig ng aking pintig Dahil ikaw ang pintig ng aking pantig Ikaw na wakas at simula ng mga pangalan Ay siyang [...]

In extremis

Sumasapit tayo sa hanggahan, at ang ating mga paa ay nakausli sa tungki ng bangin. Sa ganitong sukdol, may puwang pa ba ang kaba at pagbabantulot sa lawak ng tangway at matarik na batuhang dalampasigan? Tinatanaw natin ang malayong daigdig, tulad ng pagsipat ng kongkistador kung hindi man palaboy, kahit ang kamatayan ay nasa ilalim [...]

Panahon at Bilanggong Ibon, ni Maya Angelou

salin ng tatlong tula ni Maya Angelou. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. PANAHONG LUMILIPAS Madaling-araw ang balát mo At ang akin ay takipsilim. Ipinipinta ng isa ang simula ng tiyak na pagwawakas. At ang kabila, ang wakas ng tiyak na pagsisimula. ANGAS Iabot sa akin ang iyong kamay Paraanin ako upang mamunò [...]

Talumpati

Lilisan kayo sa pook na ito tulad ng aklat na nagkabagwis, at lumipad nang balisa kung saan-saan upang dumapo sa palad ng mapagsapalaran. Ngunit taliwas sa aklat na laging naghihintay ng magbubuklat, ang inyong mga katauhan ay higit na aktibo, at maragsa, dahil kayo ang maghahatid ng karunungan sa daigdig. Inaasahan ninyo ang mga manunulat [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers