Isang Pagdulog sa Rebisyon ng Tula

Pinakamahirap, sa aking palagay, ang yugto ng rebisyon ng tula sa buong proseso ng pagsulat ng tula; gayunman ay hindi yaon nabibigyan ng malalim na pag-aaral, lalo sa mga kursong malikhaing pagsulat. Kung minsan, ang rebisyon ay ipinupukol na lamang ng makata sa editor at tapos na ang lahat. Inaakala naman ng ibang manunulat na [...]

Diyamante at ang kaso ng maling panghihiram

Napagpakuan ko minsan ng pansin ang isang teksbuk na pinamagatang Pluma: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan I (2004) nina Ailene G. Basa at Alma Dayag at inilathala ng Phoenix Publishing House, Inc. Marami akong napunang kahinaan ng teksbuk ngunit ang aking tatalakayin ngayon ay hinggil sa tulang “dyamante” na pinauuso ng nasabing teksbuk. [...]

Liham ni Pinay: Kritika sa tula ni Ruth Elynia S. Mabanglo

Liham ni Pinay mula sa Singapore ni Ruth Elynia S. Mabanglo 1 Sugatan ang ngiti ko nang lisanin kayo 2 Malagim ang kahapon at malabo ang bukas 3 Ngunit kailangang ipakipagsapalaran 4 Kahit ang mga payak ninyong halik at yakap. 5 Malinaw na malinaw sa pananda 6 Ang paglalim ng pileges sa noo ni Ama, [...]

Ang Pormula ng Tanaga at Dalit

Nagsimulang mabuhay muli ang paggamit ng tanaga at dalít nang pausuhin ang mga ito ng gaya nina Ildefonso I. Santos, Alejandro G. Abadilla, at Teodoro A. Agoncillo bago at pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang nasabing mga tula—na katutubo sa Filipinas—ay matagal nang binanggit nina Iñigo Ed. Regalado, Lope K. Santos, at Julian Cruz Balmaseda sa kanilang mga [...]

Sagutang talinghaga hinggil sa lupa

Ang Sabi ng Matatanda Mag-aaway, gaya ng mga ilahás na hayop, ang magkakapatid dahil sa pamanang lupain ng kanilang mga ninuno. Itatakda ng batas, agham, at wika ang katwiran ng matatangkad na pader, at ang halaga ng lunggating teritoryal. Lingid sa mga sakim at hangal, ang lupang kanilang pinag-aawayan ay ang lupa ring tatabon sa [...]

Ang Tinubuang Lupa ni Teo T. Antonio

Maraming modelo ng pagbasa ang maaaring ilapat sa mga tula ni Teo T. Antonio (alyas ni Teodoro Teodoro Antonio). Pinakamalapit na marahil ang Bagong Formalismong Filipino na ipinanukala ni Virgilio S. Almario. Taglay ng naturang teorya ang tatlong salik: una, ang paglingon sa kodipikasyon ng tulang Tagalog mula kina Fray Gaspar de San Agustin, Fray [...]

Sugal, Babae, Sugal

Mahirap ipaliwanag ang halina ng sugal. Nakaaaliw ito kung paminsan-minsan; ngunit habang tumatagal ay nakakawilihan, gaya ng sex at droga, hanggang mamalayan mo na lamang na lulong ka na’t lustay na ang salapi, dangal, at panahon. Walang makapagpapaliwanag ng sugal kundi ang mismong sugarol o sikologo, ngunit ang sugarol at sikologo ay kinakailangan muna ang [...]

Ang siste sa “Ale-aleng Namamayong”

May 82 taon na ang nakararaan nang sulatin at mailathala sa Sampagita ang tulang “Ale-aleng Namamayong” (1926) ni Julian Cruz Balmaseda. Maituturing ang tula na laan sa mga bata, at ang himig nitong mapagpatawa ay pinagagaan ang dating ginagawang pagpapalipad-hangin ng mga binata sa dalagang sinisinta o inaasinta. Sa “Ale-aleng Namamayong,” ginamit ni Balmaseda bilang [...]

Dilang-Anghel at ang Panitikan

Muli na naman tayong ginigitla ni Fr. Arnel S. Vitor sa pamamagitan ng kaniyang pinakabagong aklat na Dilang-anghel (2007) na karugtong ng Bulong Pari (2005). Kung babalikan ang Bibliya, ang “dilang-anghel” ay may pinakamalapit na alusyon sa 1 Corinto 13:1, ngunit maihahakang literal na salin lamang o malikhaing halaw ang taguring “dilang-anghel” na mula sa [...]

Pingkian ni Lamberto E. Antonio

Nasambit minsan ni Lamberto E. Antonio na sa kaniyang mga nasulat na libro, ang Pingkian, “ang sumasagisag sa mahigit apat na dekada ng aking pakikipagtuksuhan at pakikipag-iringan sa buhay at panitikan.” Sa mga di-pamilyar sa panulaang Filipino, ang Pingkian ang bersiyon ng epiko ni Lamberto hinggil sa buhay ni Emilio Jacinto, at binubuo ng 1,412 [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers