Ikaw

Ikaw ang aking simula at wakas ng pantig Ikaw ang pintig ng simula hanggang wakas Ikaw ang wakas ng pintig ng aking simula Ikaw ang simula ng aking wakas na pintig Dahil ikaw ang pantig ng aking pintig Dahil ikaw ang pintig ng aking pantig Ikaw na wakas at simula ng mga pangalan Ay siyang [...]

Tatlong Nagkukunwaring Prosa

Sugarol Isinilang ka’t isinugal ng ina mo ang kaniyang buhay sa tadhana. Lumaki kang dumedede habang mainit ang tong-its, madyong, at binggo sa paligid. Nagbinata ka sa sabungan, upang maglako ng sigarilyo o kaya’y umalalay sa kristo. Nag-aral ka at napahimlay sa saklaan o bilyaran, at mga miron ang humaliling magulang. Nag-asawa ka nang tumama [...]

Tula bilang Asignatura at Protesta

Isang natutuhan ko sa tula bilang asignatura sa elementarya ay kailangan mo itong isaulo at bigkasin nang malakas, at lapatan ang tula ng angkop na kumpas, anyo, at arte na parang nag-aawdisyon ka sa pelikula kahit hindi mo ganap nauunawaan ang tula. Ipinagagawa sa amin ito ng aming guro sa elementarya, dangan lamang at pulos [...]

Ang Pader

Kailangan ang matatangkad na bakod na yari sa mga bato, nang mapangalagaan ang hari ng mga Hudyo. Kailangan ang tore ng tagapagbantay o kampo ng militar upang mapanatili ang kapayapaan ng mga Israelita. Kailangan ang mga eroplanong pandigma upang pulbusin ang mga Lebanes at Palestino na pawang kumokontra sa pagsasarili. Kailangan ang mga barko upang mahanggahan ang [...]

Bagong Taon ni Alejandro G. Abadilla

Pinakamaringal ang pagdiriwang ng Bagong Taon dahil nagpapagunita ito ng nakaraan at naghahatid ng pag-asa tungo sa hinaharap. Sumasangguni ang ilan sa mga manghuhula at pitho nang mabatid ang maaaring maganap sa mga susunod na buwan, at nang makapaghanda sa mga kamalasan o kaya’y malubos ang magandang kapalaran. May sumasandig naman sa pamahiin at agimat, [...]

Tahanan

Iiwan mo ang pook na ito gaya ng bagáng na kusang napigtal sa gilagid; o dili kaya’y dahil sa pagmamahal na paulit-ulit sinusuklian ng batong tampalasan. Ipagugunita sa iyo ng mga lumang retrato ang sinaunang banggerahang naging kusina’t tanggapan; ang kural ng mga baboy na naging sála; at ang dalawang kuwartong pinaghihiwalay ng kurtina. Matapat [...]

Aranya sa Kapaskuhan

Marami pa ring nababaliw sa tula, nawika ko sa sarili, makaraang dumalo sa pagtatapos ng taunang palihan sa pagtula ng Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) na ginanap sa Conspiracy Bar noong 9 Disyembre 2008. Ang LIRA ang samahan ng mga kabataang makata na tinuruan at ginabayan ni Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, alyas [...]

Mostly in Monsoon Weather ni Marne L. Kilates

Isa si Marne L. Kilates sa mga ibinibilang kong makatang tarikan, at ito ay hindi dahil mahilig siyang tumoma at madaling magpaamo ng anghel, bagkus sa husay niyang humabi ng mga taludtod na may angking kinang at uri, at kung baga sa alahas ay pinagbuhusan ng talino, haraya, at panahon. Sa 7 Nobyembre 2008, Biyernes, [...]

Gunita bilang Leksiyon sa tula ni Joseph de Luna Saguid

Makapangyarihan ang alaala dahil ito ang sisidlan ng nakaraan, ang nakaraang huhubugin ng mga tao na magpapataw ng kanilang angking pananaw sa daigdig kompara sa pananaw ng iba, ang magpapalaganap ng kapangyarihan, at ang magpapanatili ng kakatwang kalagayan ng pag-iral ng mga bagay, paniniwala, ideolohiya, kabuhayan, at katauhan. Hindi estatiko ang nakaraan, gaya lamang na [...]

Binatilyo

(para kay Aman) Haharap ka sa salamin isang umaga, at ang hulagway sa loob ng salamin ay magwiwika ng bumubukad na bagwis. Lalabas sa iyong bibig ang kakaibang tilaok, kaya hihimasin mo nang may pagtataka ang maumbok na lalagukán. Maiisip mong naghunos ang iyong kayumangging balát, at ikaw ngayon ay waring tigulang na pumapaibabaw sa [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 73 other followers