Tatlong tula ni Fazil Husnu Daglarca

salin ng tatlong tula ng Turkong makata na si Fazil Husnu Daglarca. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Higit na matalino sa atin ang tubig Higit na matalino sa atin ang tubig; maaga nitong natatanaw ang gabi. Mula sa langit tungo sa dilim ito’y nagbabalik At kisapmatang naglalaho gaya ng dambuhalang isda Habang [...]

Taya ng Panahon, ni Luis Vicente de Aguinaga

Salin ng “Pronóstico del tiempo” ni Luis Vicente de Aguinaga. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Taya ng Panahon Talos ko ang lihim ng mga bagay. Hindi ako nabuksan ng mga susi ng kamatayan O nakipag-usap sa mga anghel o estatwa, Ngunit nauunawaan ko ang mga sanaw At ang repleksiyon ng mukha sa [...]

Tatlong Tula ni James Joyce

Salin ng mga tula ni James Joyce Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SIMOY NG MAYO Simoy ng Mayo’y sayaw sa dagat, Sayaw paikot, galak na galak Kulot sa kulot, habang sa tuktok Bula’y pahiyas na isusuot. Sa arkong pilak ng himpapawid, Ikaw ba, mahal, itong nabatid? Aba mo ngani, kay-lungkot nito Paghihip [...]

Alamat ng Karagatan

Nainip sa ilalim ng karagatan si Amansinaya, ang bathala ng tubigan, noong musmos pa ang daigdig. Wala siyang makitang kaaya-aya, kundi ang malalamig na bato sa pusod ng dagat; o ang mapuputing buhangin sa gilid ng pasigan. Wala siyang makausap, at nayamot siya sa paglipas ng mga araw. Umulan man at umaraw, ang kaniyang kapangyarihan [...]

Gunita bilang Leksiyon sa tula ni Joseph de Luna Saguid

Makapangyarihan ang alaala dahil ito ang sisidlan ng nakaraan, ang nakaraang huhubugin ng mga tao na magpapataw ng kanilang angking pananaw sa daigdig kompara sa pananaw ng iba, ang magpapalaganap ng kapangyarihan, at ang magpapanatili ng kakatwang kalagayan ng pag-iral ng mga bagay, paniniwala, ideolohiya, kabuhayan, at katauhan. Hindi estatiko ang nakaraan, gaya lamang na [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers