Tatlong tula ni Fazil Husnu Daglarca

salin ng tatlong tula ng Turkong makata na si Fazil Husnu Daglarca. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Higit na matalino sa atin ang tubig Higit na matalino sa atin ang tubig; maaga nitong natatanaw ang gabi. Mula sa langit tungo sa dilim ito’y nagbabalik At kisapmatang naglalaho gaya ng dambuhalang isda Habang [...]

Salita at likha ni Tomaz Salamun

salin ng mga tula ni Tomaž Šalamun na mula sa Slovenia salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo MGA SALITA Sumasalok ka ng tubig sa pamamagitan ng karayom, at ang tubig ay nagiging malapot na banlik. Itinuro mo ang punongkahoy, at ang punongkahoy ay biglang nagliyab. Hinati mo sa pamamagitan ng anino ang mga [...]

Paglilitis

PAGLILITIS Lumakad siya sa hardin ng mga patalim; umulan ng mga sibat at lason sa kung anong dahilan. At siya’y nagpatuloy, at hinarap ang kamatayan. Naligalig ang daigdig, ngunit siya’y nanatiling walang tinag, at higit na nanariwa, gaya ng ilahas na dapo na yumayapos sa sanga ng huklubang mabúlo. Tulang tuluyan ni Roberto T. Añonuevo. [...]

Tatlong Tula ni James Joyce

Salin ng mga tula ni James Joyce Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SIMOY NG MAYO Simoy ng Mayo’y sayaw sa dagat, Sayaw paikot, galak na galak Kulot sa kulot, habang sa tuktok Bula’y pahiyas na isusuot. Sa arkong pilak ng himpapawid, Ikaw ba, mahal, itong nabatid? Aba mo ngani, kay-lungkot nito Paghihip [...]

Ang mga Alon

Malawak na dagat ang guniguni, at ang mga alon ay tumatakbong metalikong kabayo na sinasakyan ng kaniyang katauhan. Kumikitid ang isip kapag dumadaong sa hanggahan ng tangway at tangrib, ngunit lumalawak muli tuwing binubuksan sa elektrisidad ng araw at elektridad ng hangin. Nakatimo sa laot ang isang pulo, na maaaring nagkukubli ng pangalan ng imperyal [...]

Gunita bilang Leksiyon sa tula ni Joseph de Luna Saguid

Makapangyarihan ang alaala dahil ito ang sisidlan ng nakaraan, ang nakaraang huhubugin ng mga tao na magpapataw ng kanilang angking pananaw sa daigdig kompara sa pananaw ng iba, ang magpapalaganap ng kapangyarihan, at ang magpapanatili ng kakatwang kalagayan ng pag-iral ng mga bagay, paniniwala, ideolohiya, kabuhayan, at katauhan. Hindi estatiko ang nakaraan, gaya lamang na [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers