Tanawin at Daan Pauwi, ni Ryuichi Tamura

salin ng mga tula sa Hapones ni Ryuichi Tamura. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. TANAWIN 1 Bumulusok sa langit ang ibon Naroon ang bukid para sa isang ibong binaril noong walang katao-tao Lumabas ng bintana ang palahaw Naroon ang daigdig para sa palahaw na binoga noong walang katao-tao Naroon ang langit para [...]

Larawan ng Kapanahong Tao, ni Jorge Carrera Andrade

salin ng tula ni Jorge Carrera Andrade ng Ecuador. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. LARAWAN NG KAPANAHONG TAO Natatakpan ng mga umaawit na duyan sa magdamag ang daigdig. Nagtitipon ng mga tipak na bato ang tao para sa mga bahay ng isisilang sa hinaharap. Iginupo ng mga klima, tinahak ang mga tore, [...]

Kalungkutan, ni Rainer Maria Rilke

salin ng “Die Einsamkeit” (1902)  ni Rainer Maria Rilke. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. KALUNGKUTAN Ang pagkakalayo at pangungulila ay gaya ng ulan. Umaalimuom ito sa gabi mula sa pusod ng dagat, mula sa kapatagan, dalisdis at ilang, inaakyat nito ang langit, na siya nitong sinaunang tahanan. At kung aalis na sa [...]

Sigwa sa Pulo

Kumikirot ang mga talampakan ng magkapatid na Rodrigo at Gerardo sa paglalakad sa gilid ng dalampasigan. Sinuyod nila ang buhanginan at batuhan upang makapag-ipon ng mga tulya, kapis, tirik, at tahong na ipinadpad ng mga alon. Tumindi ang sikat ng araw, at kumati ang tubig na tila ayaw nang magbalik sa pulo. Namatahan ng magkapatid [...]

Landas ng Babaeng Minamahal, ni Carlos Barbarito

Salin ng tulang “Tao de la mujer amada” ni Carlos Barbarito. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. LANDAS NG BABAENG MINAMAHAL 1 Babae: misteryo at pinto. 2 Hindi siya kinakagat ng mga putakti at ahas, hindi siya kinakalmot ng maiilap na hayop, hindi siya dinaragit ng mga ibong malulupit. 3 Malalambot na buto, [...]

Ang Pantera ni Rainer Maria Rilke

salin ng “Der Panther” ni Rainer Maria Rilke salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG PANTERA Sa Hardin ng mga Halaman, Paris Napagod ang kanyang paningin sa bakod na rehas, At wala na iyong makita sa buong paligid. Nabatid na niyang wala nang iba pang may rehas, Sa likod ng laksang bilibid ay [...]

Santa Rosalia

Nakahimlay sa matarik na yungib ang pag-ibig, at ang pag-ibig na ito ang aking tagapagligtas. Naulinig iyon ng babaeng maysakit, at napasigaw ng Hesus ko! ngunit inakala marahil na bungang-isip sa mga gabi ng deliryo. Mauulinig muli iyon ng mangangaso isang araw, at hahanapin nito ang kakatwang tinig na iniluluwal ng bunganga ng bundok. Hahalimuyak [...]

Utos ng Diyos

Hinubog ng diyos, alinsunod sa kaniyang hulagway, ang tao. Ito ang mensaheng tumagos sa iyong isip, at tinanggap nang maluwag at walang kurap sa mahabang panahon. Maaaring labis na mapagpakumbaba ang maykapal, tugon mo, at sa anyo ng isang mortal ipapadron ang kaniyang larawan. Ngunit ang gayong gawi ay paimbabaw; at lumilikha ng idolo ang [...]

“Hubad” ni Manuel Bandeira

Salin ng tulang  “Nu” ni Manuel Bandeira (Manuel Carneiro de Souza Bandeira Filho) mula sa orihinal na Portuges de Brazil Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Hubad Kung ikaw ay nakabestida, Mailap sa haraya nila Ang mga mundong malilikot Sa loob ng damit mong suot. (Kaya sa liwanag ng araw Hindi nga namin [...]

Idyoma, talinghaga, at tayutay sa komunikasyon ng mga Filipino

Ano ang paraan ng komunikasyon ng mga Filipino? Ito ang isa sa maraming tanong na sinasagot ng Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino (2002) ni Melba Padilla Maggay. Hitik umano sa pahiwatig at ligoy ang pakikipag-usap ng mga Filipino, dahil nagmumula sila sa kulturang may mataas na uri ng pagbabahaginan ng kahulugan, kompara sa mga taga-Kanluran [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers