Ang Tula

Nakaligtaan, at sabihin nang naiwaglit ko ang tula, at para itong maleta na natabunan ng libo-libong maleta, bag, at kargada sa kung saang lupalop. Hindi ko maipagpatuloy ang biyahe, sapagkat ang isang maleta ay makapagtataglay ng epiko ng pakikipagsapalaran o kaya’y walang katumbas na yaman, at binabagabag ako ng panghihinayang sa naglahong minamahal. Hinahanap ko [...]

Talinghaga ng Pag-ibig, ni Nizar Qabbani

salin ng tatlong tula ni Nizar Qabbani. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Kapag umibig ako Kapag umibig ako wari ko’y hari ako ng panahon. Taglay ko ang mundo at lahat ng lalang nito at sakay ng kabayo pahagibis sa araw. Kapag umibig ako naghuhunos akong agos ng liwanag na ni hindi matalos [...]

Tula at Komentaryong Panlipunan ni Anastasio Salagubang

Sumikat ang talipanpan [pen name] na “Anastasio Salagubang” sa pitak na Buhay Maynila ng diyaryong Taliba noong mga taon 1927-1928 dahil sa pambihirang komentaryo nito sa lipunan. Araw-araw, binubulabog ng nasabing kolumnista ang bayan at pinupuna sa pamamagitan ng masisisteng tula ang baluktot na pamamahala ng awtoridad, itinutuwid ang magagaspang na asal o sinaunang kaugalian [...]

Hubad at Sulat ni Judith Taylor

salin ng mga tula sa Ingles ni Judith Taylor. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Hubad Tinuyot ng mga pagkawala, kami’y naglakbay para maabot ang tubig, . . .. . . . ang baybayin niya, ang aking baybayin. Ang kuwintas ng kaniyang hininga, ang sinturon ng mga pawis: ang mga paglikom . . [...]

Langit at Lihim ni Carlos Drummond de Andrade

salin ng dalawang tula ni Carlos Drummond de Andrade. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Pighati sa Langit May oras ng pighati sa langit. Matinding oras na sakop ng duda ang mga kaluluwa. Bakit ko nilikha ang mundo? naisip ng Diyos, At ang mga sagot: Hindi ko alam. Sumalungat sa kaniya ang mga [...]

Panukalang Pagdulog sa Pag-unawa ng Tula

Humihirap ang pag-unawa sa tula dahil ang pakahulugan ng “tula” ay hindi na lamang maikakahon sa “tugma, sukat, kariktan, at talinghaga” gaya ng unang winika ni Lope K. Santos, at pinalawig pagkaraan nina Julian Cruz Balmaseda at Iñigo Ed. Regalado. Pumasok ang kaso ng “malayang taludturan” nang tawagin ni Amado V. Hernandez noong 1931 ang [...]

Ang Kumbensiyon ng Malayang Taludturan

Sumiklab ang pagtatalo sa usapin ng paggamit ng malayang taludturan sa panulaang Tagalog noong dekada 1930 dahil na rin sa mga pangyayaring may kaugnayan sa pagpapanatili ng tradisyon ng nasabing panulaan samantalang rumaragasa ang pagpasok ng impluwensiyang Amerikano at Ingles sa panitikang Filipinas at pinaiiral bilang opisyal na komunikasyon sa transaksiyon ng pamahalaan, edukasyon, at [...]

Konserbatismo at Patriyotismo sa 2010 Talaang Ginto

(Ang sumusunod ay kritika ng Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario sa nakaraang timpalak pampanitikan ng Talaang Ginto, at maaaring makatulong sa mga guro at estudyante na pawang nag-aaral ng tugma at sukat sa katutubong tula, bukod sa pagbubuo ng balangkas at talinghaga. ) KONSERBATISMO AT PATRIYOTISMO SA 2010 TALAANG  GINTO ni Virgilio S. [...]

Uica nang Pang-ulo ocol sa Cigarillo

UICA NANG PANG-ULO OCOL SA CIGARILLO Cigarillo, bucor sa yba pang vicio gaia nang alac, sug-al, at libog, ang cahohomaling-an nang sino man tauo, ano man ang caniyang profesión at estado sa liponan at oring pinagmolan. Cigarillo ang nagpapa-calmar nang calamnan, nguni pumupucaw sa ysip at nagpapa-bilis nang tibuc nang puso, at aacala-yin nang homi-hitit [...]

Dominyo ng Jejemon

Sirkulo ng mga Jejemon ang pinag-iinitan ngayon ng mga awtoridad, at kabilang na rito ang Kagawaran ng Edukasyon. Portmanteau, o pinagsanib na mga salita ang “jejemon.” Mauugat ito sa “jeje-” (na katumbas ng mahinang pagtawa at binibigkas sa Espanyol na “hehe,” gaya ng Espanyol na “jefe” na “hepe” sa Filipino) at “-mon” na mula sa [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers