Misericordia

Aklatan ito ng mga pakikipagsapalaran, at ikaw bilang panauhin, ay malayang maglakbay nang may buntot, bagwis, at sungay. Ipagpalagay na isa itong eskinita, at sa tula ni Teo Antonio ay maghuhunos kang estudyante na kung hindi nagmamarakulyo sa mundo ay umiibig sa kalapati na dumarapo sa sahig ng hatinggabi. Lumakad ka, at madaraanan ang huntahan [...]

Kumpisal

Kung ang katotohanan ay balaraw na iluluwal ng bibig, masasalo ba ng dibdib ang maiiwang sugat o kamatayan? Paano sasagapin ng makikinig ang kaniyang pagwawakas? Naisip niya ang gayon, isang gabi habang umiinom sa paboritong tambayan, at umiingay ang paligid sa mga espiritu ng libog at lason, at wala ang paraluman sa langit o bulsa [...]

Dalawang Tulang Tuluyan ni Pierre Reverdy

salin ng mga tulang tuluyan ni Pierre Reverdy mula sa La balle au bond. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo mula sa orihinal na Pranses. BAKBAKAN May awreola sa hungkag na silid. Naglalatag ng anino ang mga halamang nakagilid sa bubungan pababa sa mga ugat at kahit ang mga ginintuang dahon. Nasa malayo [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers