![Romblon Summer Hahanapin mo ang pook na ito kapag lumalabis ang init ng tag-araw. Maglalakad ka nang nakayapak, at ang makukulay na bato sa dalampasigan ang magpapagunita sa iyo ng mga gumuhong bundok at naaagnas mong katauhan. Lalapit ka sa dagat, at ang dagat ay lalayo sa iyo. Mapapaupo ka sa buhanginan, at ipagkakanulo ka ng sariling anino. [Larawan at teksto ni Roberto T. Añonuevo]](http://dakilapinoy.files.wordpress.com/2009/04/romblon-003.jpg?w=468&h=311)
-
Hahanapin mo ang pook na ito kapag lumalabis ang init ng tag-araw. Maglalakad ka nang nakayapak, at ang makukulay na bato sa dalampasigan ang magpapagunita sa iyo ng mga gumuhong bundok at naaagnas mong katauhan. Lalapit ka sa dagat, at ang dagat ay lalayo sa iyo. Mapapaupo ka sa buhanginan, at ipagkakanulo ka ng sariling anino. (Larawan at teksto ni Roberto T. Añonuevo)

Nangangarap ka rin marahil noon gaya ni Ulysses. Matigas ang buto, malinaw ang paningin, at matatag ang loob. Habang tumatagal, ang tinatanaw mong ibayo ay umiilap, at ang pakikipagsapalaran ay higit na makulay sa iyong lupang niyayapakan. Ano kaya kung may tapayan sa paanan ng bahaghari? Paano kung bumunsod ang bangka at kainin ng laot? Sino ang magsusulsi ng damit at mananatiling tapat sa paghihintay? Marami kang tanong, at marahil magpapanukala ng sagot ang mga alon. (Larawan at teksto ni Roberto T. Añonuevo)

Nakabantay ang iyong matapat na kaibigan. Magpapauna siya upang hawiin ang panganib, o kaya’y iligtas ka sa sakuna. Tatahulan niya ang malamig na hihip-dayaray, at maya-maya’y aahon sa dalampasigan ang babaeng nakahubad, at lasing na lasing sa pangangarap. Lalapitan mo siya, ngunit mangangatog ang iyong mga tuhod. Hahalakhak ang babae, at ilang sandali pa’y sasalpok ang mga alon, upang burahin ang bakas ng kaniyang pagkakakilanlan. (Larawan at teksto ni Roberto T. Añonuevo)

Magpapantay sa panginorin ang bundok at dagat. Maaaring matakpan ng mga dahon ang bundok, at ang dagat ay maisasalin lahat sa himpapawid. Marami ka pang kabalbalang maiisip, habang umaalunignig ang mga kuliglig at humuhuni ang mga ilahas na ibon. Mahihiga ka sa ilalim ng sinaunang punongkahoy, at ang iyong anino ay maglalaho sa buhangin. (Larawan at teksto ni Roberto T. Añonuevo)

Filed under: Uncategorized | Minarkahan: dalampasigan,Lakbay-nilay,paglalakbay,Romblon,tag-araw,Tulang Tuluyan | 7 Puna »