Awit ng Sugat, ni Farrokh Tamimi

salin ng tatlong tula ng makatang Iranian Farrokh Tamimi. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. TAGLAGAS Hungkag ang pugad ng mga uwak na nasa sangang tuyot ng ubaning sikomoro. Sa himpapawid, dalawang satin-tinta ang pumatak. BUHAY Hiniwa ko ang gabi sa labaha ng umaga at isinabit ang araw sa bulawang kuwadro sa nabiyak [...]

Setyembre, ni Louis Jenkins

salin ng tulang tuluyang “September”  ni Louis Jenkins. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. SETYEMBRE Lumamig isang gabi ang bugso ng dayaray papaloob ng bintana at nagbalabal ka. Naghunos ang mga dahon ng mga arse sa Abenida Wallace at kung sino man ang iyong minamahal ay hindi na muling magbabalik pa. Huwag mabahala. [...]

Pagkahilig sa mga Gulod, ni Rachel Wetzsteon

salin ng “Taking to the Hills” ni Rachel Wetzsteon. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. PAGKAHILIG SA MGA GULOD Kung ang paglalakad, gaya ng alak, ay nagpapasulak ng lungkot, subukin natin ito, sabi ko, at ginawa ko nga: sa likod ng mga buról na ito na hindi nakababatid ng pighati ay walang mapagmuning [...]

Salita at likha ni Tomaz Salamun

salin ng mga tula ni Tomaž Šalamun na mula sa Slovenia salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo MGA SALITA Sumasalok ka ng tubig sa pamamagitan ng karayom, at ang tubig ay nagiging malapot na banlik. Itinuro mo ang punongkahoy, at ang punongkahoy ay biglang nagliyab. Hinati mo sa pamamagitan ng anino ang mga [...]

Tatlong Awit, ni Mary Oliver

Salin ng tulang tuluyan ni Mary Oliver mula sa orihinal na Ingles. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. TATLONG AWIT 1 Bumaba mula sa dalisdis ang isang pangkat ng ilahás na pabo. Marahan silang dumating—at habang naglalakad ay nagsiyasat ng anumang makakain sa ilalim ng mga dahon, at bukod dito’y kalugod-lugod humakbang nang [...]

Pagsasabi nang Tapát

Parang pinagtiyap ang pangyayaring ang pag-ibig ay ibong mailap na dumapo sa sanga ng punongkahoy, humuni ng nakakikilig na awit, saka isinalin nang patuka sa tangkay ang katauhan. Lumayo man ang ibon, maiiwan ang gunita nito sa ugat, sa bunged, sa balakbak, sa sanga, sa dahon, sa bunga, sa bulaklak, sa punongkahoy. At ang punongkahoy [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers