Bantayan

Kung ito ang pook na laan sa mga destiyero, wiwikain marahil ni Fides, ang mamuhay nang bilanggo ay paraiso. Hindi tatanawing pader ng mga bilibid ang mga alon, bagaman nakayayanig sa unang pagkakataon sa panig ng mga binyagan ang katahimikan ng dayaray at harana ng mga kuliglig. Sa pagitan ng mga bituin at buhangin ay [...]

Gubat at Langaw, ni Eliot Weinberger

Dalawang tulang tuluyan ni Eliot Weinberger. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. ANG GUBAT Kapag nasa Angola, huwag pumasok sa kagubatan ng Cokwe kung gabi. Naroon si Muhangi, ang huklubang lalaki, ang dating dakilang mangangaso, na tumatakbo nang humihiyaw sa kahuyan. Si Kanyali, na may anyo ng batang babae, ay hinahabol ang mga [...]

“Adan” ni Federico García Lorca

Halaw at salin ng tulang “Adam” ni Federico García Lorca mula sa Espanyol Halaw at salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Adan Tigmak sa dugo ng punongkahoy itong umaga Na ang babaeng bagong panganak ay umuungol. Ang tinig niya’y bubog sa sugat na umaantak, At sa bintana’y anyo ng butong sala-salansan. Sibat ng [...]

Dila

DILA Ituturing kang pitho na makasisilip sa pinto ng sasapit na kabutihan o kapahamakan sa buong daigdig. Lalabas ka sa iyong yungib para tikman ang simoy, at lasahan ang pagkain, patalim,  o lason sa atas ng kaluguran o kalooban. Magluluwal ka ng mga salita, mga salitang gagapang, lalangoy, lalakad, lilipad upang maghasik ng salot, digma, [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 73 other followers