Ang Tula

Nakaligtaan, at sabihin nang naiwaglit ko ang tula, at para itong maleta na natabunan ng libo-libong maleta, bag, at kargada sa kung saang lupalop. Hindi ko maipagpatuloy ang biyahe, sapagkat ang isang maleta ay makapagtataglay ng epiko ng pakikipagsapalaran o kaya’y walang katumbas na yaman, at binabagabag ako ng panghihinayang sa naglahong minamahal. Hinahanap ko [...]

Dalawang Parabula ni Kahlil Gibran

Parabula at tulang tuluyan ni Kahlil Gibran Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG BALYÁN Sinabi ko minsan sa balyán, “Pagod ka na marahil sa katatayo sa malungkot na bukiring ito.” At sumagot siya, “Malalim at tumatagal ang tuwa ng pangangalaga, at hindi ako kailanman napagal.” Sumabat ako, makaraan ang isang minutong pag-iisip, [...]

Talinghaga ng Kabutihan ni Oscar Wilde

Dalawang tulang tuluyan ni Oscar Wilde Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG GUMAGAWA NG MABUTI Takipsilim na at nag-iisa Siya. At natanaw Niya sa malayo ang mga pader ng pabilog na lungsod at dumako paparoon. At nang Siya’y malapit na, narinig Niya sa loob ng lungsod ang indak ng mga paa ng [...]

Ang Sugo

Ipinadala siya ng Tsina sa Filipinas, at bilang iginagalang na akademiko’y napasok niya ang unibersidad ng estado. Noong una’y patango-tango lamang siya, waring muslák at walang alam, ngunit ang totoo’y higit niyang kabesado ang tesawro-diksiyonaryo ni Jose Villa Panganiban kung ihahambing sa karaniwang Filipino. Nanirahan siya nang ilang linggo sa Binondo, lumipat sa kung saang [...]

Ang Dakilàng Makatà

Maálinsángan ngúnit nánanabík ang buông plása nang gabíng iyón. Nagsimulâ nang magtípon-típon ang mga táo. Nagháhabulán ang iláng batàng uhugin paikót sa mga kawáyang upúan. May limá o ánim na dalágang naghuhuntahan, hábang nágpapaypáy, sa tabí ng póste ng koryénte. Samantála, ang mga  binatà’y nagsimulâng umáwit ng kundíman, at tíla nagpápalipád-hángin. May mga tindérang naglalakò [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 73 other followers