Gabi ng Taglagas ni Viggo Stuckenberg

Salin ng katha ni Viggo Stuckenberg, at batay sa saling Ingles ni Anthony Weir. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. GABI NG TAGLAGAS Nakatirik ang tore sa gilid ng kahuyan, ang luma’t naaagnas na tore na binalot ng lumot at palumpong ang mga silipang butas, na pawang pinalooban ng mga damo ang mga puwang [...]

Kalungkutan, ni Rainer Maria Rilke

salin ng “Die Einsamkeit” (1902)  ni Rainer Maria Rilke. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. KALUNGKUTAN Ang pagkakalayo at pangungulila ay gaya ng ulan. Umaalimuom ito sa gabi mula sa pusod ng dagat, mula sa kapatagan, dalisdis at ilang, inaakyat nito ang langit, na siya nitong sinaunang tahanan. At kung aalis na sa [...]

Kumpisal

Kung ang katotohanan ay balaraw na iluluwal ng bibig, masasalo ba ng dibdib ang maiiwang sugat o kamatayan? Paano sasagapin ng makikinig ang kaniyang pagwawakas? Naisip niya ang gayon, isang gabi habang umiinom sa paboritong tambayan, at umiingay ang paligid sa mga espiritu ng libog at lason, at wala ang paraluman sa langit o bulsa [...]

“Ulan” ni Jorge Luis Borges

Salin at halaw ng “La lluvia”  ni Jorge Luis Borges mula sa orihinal na Espanyol Salin at halaw sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ULAN Lumiwanag nang mabilis itong hapon Nang umambon nang biglaan at banayad. Ibinuhos o bumuhos. Matitiyak Na ang ulan ay umiral nang malaon. Uulinig ang nawalay na panahong Ang pag-ulan [...]

Pag-ibig

1. Tagak sa gitna ng putikan ang maglalaro sa iyong guniguni. Lilipad ang ibon at darapo sa iyong balikat. Mapuputikan ang iyong balikat, at ang iyong balikat ay waring likod ng matandang kalabaw na nalulungkot dahil nawawala ang kaibigang kalakian. Maghahanap ng paraan ang iyong utak upang itumbas ang tagak na umaalo sa kalabaw na [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers