Ang Tula

Nakaligtaan, at sabihin nang naiwaglit ko ang tula, at para itong maleta na natabunan ng libo-libong maleta, bag, at kargada sa kung saang lupalop. Hindi ko maipagpatuloy ang biyahe, sapagkat ang isang maleta ay makapagtataglay ng epiko ng pakikipagsapalaran o kaya’y walang katumbas na yaman, at binabagabag ako ng panghihinayang sa naglahong minamahal. Hinahanap ko [...]

Pakikiapid, ni James Dickey

salin ng tulang “Adultery” ni James Dickey. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Pakikiapid Nanahan lahat tayo sa mga silid na hindi natin iiwan, At kakatwang lugar, at makulimlim. Malimit nakadipa Ang mga Indiyan sa gilid ng mga burol Habang lumiliwayway at lantad sa Dakilang Espiritu O gumagaod sa bangka o ninipat sa [...]

Kumpisal

Kung ang katotohanan ay balaraw na iluluwal ng bibig, masasalo ba ng dibdib ang maiiwang sugat o kamatayan? Paano sasagapin ng makikinig ang kaniyang pagwawakas? Naisip niya ang gayon, isang gabi habang umiinom sa paboritong tambayan, at umiingay ang paligid sa mga espiritu ng libog at lason, at wala ang paraluman sa langit o bulsa [...]

Pagsasabi nang Tapát

Parang pinagtiyap ang pangyayaring ang pag-ibig ay ibong mailap na dumapo sa sanga ng punongkahoy, humuni ng nakakikilig na awit, saka isinalin nang patuka sa tangkay ang katauhan. Lumayo man ang ibon, maiiwan ang gunita nito sa ugat, sa bunged, sa balakbak, sa sanga, sa dahon, sa bunga, sa bulaklak, sa punongkahoy. At ang punongkahoy [...]

Lunggati

Lunggati Malalakad ng langgam ang landas tungo sa buwan na lingid sa diyos na iyong pinaniniwalaan. Ang langgam na ito ay isasakay ako, at sa paglalakbay ay lalampasan ang lahat ng iyong hilahil at pagdaramdam, upang makatagpo ka sa iyong paraiso. Hindi mauunawaan ng dibinong plano ang sigasig ng langgam, na habang lumalakad ay kusang [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers