Balanghagan

Sumusulong ang Siyudad de Zamboanga, dumarami ang wika sa pangangalakal, at hindi ito maikakaila ng pagdagsa ng mga turista sa paliparan o pantalan kahit hindi pista. Maliit ngunit siksik, ang heograpiya sa wari mo’y laberinto ng mga habing Yakan kung hindi man lalang-banig ng Sama o Badyaw. Makikitid ang lansangan at magagara ang plasa, ang [...]

Dapithapon

Dapithapon Huminto at lumampas ang mga sasakyan, tumambay at humakbang ang mga anino, ngunit ikaw ay hindi nasilayan sa kanto. Larawan ng wala, ikaw ang mga paglalakbay. Mauunawaan ka ng pulis sa ilalim ng tulay at lulundo ang tulay sa pangako ng mga ilog. Sapagkat ikaw ay mainipin gaya ng panahon, habulin ng tanaw ay [...]

Ang Tula

Nakaligtaan, at sabihin nang naiwaglit ko ang tula, at para itong maleta na natabunan ng libo-libong maleta, bag, at kargada sa kung saang lupalop. Hindi ko maipagpatuloy ang biyahe, sapagkat ang isang maleta ay makapagtataglay ng epiko ng pakikipagsapalaran o kaya’y walang katumbas na yaman, at binabagabag ako ng panghihinayang sa naglahong minamahal. Hinahanap ko [...]

Talinghaga ng Pag-ibig, ni Nizar Qabbani

salin ng tatlong tula ni Nizar Qabbani. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Kapag umibig ako Kapag umibig ako wari ko’y hari ako ng panahon. Taglay ko ang mundo at lahat ng lalang nito at sakay ng kabayo pahagibis sa araw. Kapag umibig ako naghuhunos akong agos ng liwanag na ni hindi matalos [...]

Mga Bakwet, ni Randall Jarrell

salin ng tulang “The Refugees” ni Randall Jarrell. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Walang bakanteng upuan sa gusgusing tren. Nakalupasay ang batang may punit na maskara Sa basura ng wasak na silid. Maringal ba ang kanilang kapanatagan? May mukha at búhay silang gaya mo. Ano ang taglay nila para pumayag magkasiya sa [...]

Pasimula, ni Silvio Guissani

Salin ng tulang tuluyan ni Silvio Guissani. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. PASIMULA Tinahak ng mga tren ang nagmamadaling mga tulay na ang hangin ay nilalabanan ang antok sa karimlan, patungo sa tahol ng mga aso na ang pahiwatig ng kisapmatang pangalan ay umiiral. Nakapagkit ang nomena sa mga puwang na waring mga anino [...]

Bawat angking Kimera, ni Charles Baudelaire

salin ng “Chacun sa chimère” ni Charles Baudelaire. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. BAWAT ANGKING KIMERA Sa ilalim ng malawak, abuhing langit, sa maalikabok, di-maliparang uwak na kapatagang walang bagnos, walang damo, walang baging ni palumpong, nasalubong ko ang ilang tao na hukót kung maglakad. Bawat isa sa kanila’y pasan ang malaking [...]

Dagat Portuges, ni Fernando Pessoa

salin ng “Mar Português” ni Fernando Pessoa (Fernando António Nogueira de Seabra Pessoa). salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. DAGAT PORTUGES O maasing dagat, asing kumakapal Ang luha sa pisngi mula sa Portugal! Para ka matawid, ilang bigong anak Ang pilit naghintay, at ina’ng umiyak! Ilan ang babaeng tumandang dalaga Hanggang hukay, dagat, [...]

Dalawang Talinghaga ni Hermann Hesse

salin ng dalawang tula ni Hermann Hesse salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo KAPAG WALA KA Nakatitig sa akin ang unan ko tuwing gabi, Hungkag gaya ng lapida; Hindi ko akalaing magiging napakapait Ang mag-isa, at matulog Nang hindi nakasapin ang iyong buhok. Mag-isa akong nahihiga sa tahimik na bahay, Pumupusikit ang nakabiting [...]

Tag-araw

Hahanapin mo ang pook na ito kapag lumalabis ang init ng tag-araw. Maglalakad ka nang nakayapak, at ang makukulay na bato sa dalampasigan ang magpapagunita sa iyo ng mga gumuhong bundok at naaagnas mong katauhan. Lalapit ka sa dagat, at ang dagat ay lalayo sa iyo. Mapapaupo ka sa buhanginan, at ipagkakanulo ka ng sariling [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers