Ang Tula

Nakaligtaan, at sabihin nang naiwaglit ko ang tula, at para itong maleta na natabunan ng libo-libong maleta, bag, at kargada sa kung saang lupalop. Hindi ko maipagpatuloy ang biyahe, sapagkat ang isang maleta ay makapagtataglay ng epiko ng pakikipagsapalaran o kaya’y walang katumbas na yaman, at binabagabag ako ng panghihinayang sa naglahong minamahal. Hinahanap ko [...]

Sa Bintana, ni Carl Sandburg

Salin ng tulang “At a Window” ni Carl Sandburg. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Sa Bintana Itulot sa akin ang gutom, O mga bathala na nakaupo at nag-uutos Sa daigdig. Itulot sa akin ang gutom, kirot, kasalatán, Ibilibid ako sa kahihiyan at kabiguan; Mula sa inyong mga ginto’t tanyag na pinto’y Ibigay [...]

Mga Gondola, ni Henri Cole

Salin ng tulang “The Gondolas”  ni Henri Cole. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. MGA GONDOLA Napakatagal nang panahon nang lisanin niya ang bayan at hindi na niya matandaan ang mukha nito. Sa arena ng mga atleta, walang nakakikita sa kaniyang iniisip. Si Cristobal Colon, sa tarangkahan ng istadyum, ay nakaturo sa Bagong [...]

Isang Araw

Kung ang isang paa ay nasa hukay, Ano’t mangangamba sa paglalakbay? Nakahiga ako doon sa malamig na silid at ang natatanaw ay salaming pintuan. Dumaraan sa aking paningin ang mga doktor at nars, at ang mga pasyente na iba’t iba ang edad o pangalan o karamdaman. Paroo’t parito ang mga kamang de-gulong, at gumugulong ang [...]

Ang Kahon

ANG KAHON (salamat sa “Balikbayan Box” ni John Santos) Maaaring ang parihabang kahon ay matayog na gusali, at ang loob ay naglilihim ng mga butong bali-bali. Nagtataglay din marahil iyon ng tsokolate, prutas, alak, gamot, damit, kompiyuter, retrato, at kung ano-anong rekwerdo o pasalubong o bakás ng mga paglalakbay. Buksan ang kahon at mabubuksan ang [...]

Timawa at Kasal ng Dalawang Lahi sa nobela ni A.C. Fabian

Materyal para sa pelikula ang nobelang Timawa (1951) ni Agustin C. Fabian. Nasabi ko ito dahil sa masalimuot nitong banghay, pakikipagsapalaran ng mga tauhan, at pabago-bagong kaligirang tinambalan ng kapana-panabik na paglalahad. Higit pa rito, pinapaksa ng nobela ang nagaganap ngayon sa Filipinas: ang kasalatan ng mga mediko, ang kabulukan ng alta sosyedad, ang prostitusyon [...]

Mahiwagang gamot sa “Pusong May Sugat”

Lapnos na mukha, durog na kalooban, at magkatunggaling angkan ang pinaghihilom ng bagong tuklas sa medisinang nakasaad sa nobelang Pusong May Sugat (1949) ni Iñigo Ed. Regalado. Maibibilang ang nobela sa mga kathang-agham (science fiction), ngunit ang pinakapuso ay paglilitis sa pagmamahalan ng magkasintahang pinaghiwalay ng kani-kaniyang propesyon at tadhana. Umiinog ang istorya kina Bienvenida [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 73 other followers