Setyembre, ni Louis Jenkins

salin ng tulang tuluyang “September”  ni Louis Jenkins. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. SETYEMBRE Lumamig isang gabi ang bugso ng dayaray papaloob ng bintana at nagbalabal ka. Naghunos ang mga dahon ng mga arse sa Abenida Wallace at kung sino man ang iyong minamahal ay hindi na muling magbabalik pa. Huwag mabahala. [...]

Hormonal Imbalance

May nagbabago sa sarili mo, at nagising ka na lamang na waring napakabigat ng katawan at napakalapad ng higaan. Pagod na pagod ka, gayong hindi ka naman nagsaka ng bukid, bagkus nanood lamang ng telebisyon o kaya’y nagbasa ng magasin. Tumataba ka nang di-inaasahan, at ang sikmura’y tila masikip kompara sa dapat asahan. Hindi mo [...]

Talinghaga ng Kabutihan ni Oscar Wilde

Dalawang tulang tuluyan ni Oscar Wilde Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG GUMAGAWA NG MABUTI Takipsilim na at nag-iisa Siya. At natanaw Niya sa malayo ang mga pader ng pabilog na lungsod at dumako paparoon. At nang Siya’y malapit na, narinig Niya sa loob ng lungsod ang indak ng mga paa ng [...]

Pabula sa Tag-araw

Napagawî ang tagák doon sa dalísay na sapà. Naákit siyáng tumítig sa túbig, at nakíta niyá ang saríli bílang nápakágandáng babáe sa daigdíg. “Anung hiwagà!” wikà ng tagák. “Walâ nang hihigít pa sa áking maputîng anyô!” Mayâ-mayâ’y kumilapsáw ang tubig. At humalakhák ang sapà habang nanánalamín doón ang naligáw na íbon. “Bakit ka túmatáwa, butihing [...]

Pit Senyor!

Himala ang inaasahan namin sa iyong hulagway, at pahiwatig ng kaligtasan mula sa sumasayaw na apoy. Gumagaan ang aming daigdig na sapupu ng iyong kamay, at gaya mo’y isinisilang muli kami sa pista at dasal. Kasisindakan ka ng mga hari, at sa tangan mong setro’y mabubuksan ang palasyo sa aming mga puso. Bumangon ka mula [...]

“Ang mga Dukha” ni Roberto Sosa

salin ng “Los Pobres” ni Roberto Sosa mula sa orihinal na Espanyol salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG MGA DUKHA Napakarami ng dukha kaya naman imposibleng makalimutan sila. Matitiyak na tinatanaw nila sa bawat liwayway ang laksang gusali na ibig nilang panahanan ng kanilang mga anak. Maaari nilang pasanin sa balikat ang [...]

“Sa Bulwagan ng Templo” ni Ko Un

Salin ng tula ng makatang Koreanong si  Ko Un Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SA BULWAGAN NG TEMPLO Ibagsak si Buda! Ibagsak ang guwapo at mapintog na Buda! Ano ang kaugnayan ng eleganteng balbas? Baklasin ang pintadong putang barakilan! Ulo ng dragon? Ano’ng silbi ng ulo ng dragon? Buwagin ang templong iyan, [...]

Wakas ni Darna

Sumapit ang panahong nagsawa na si Darna na sagipin ang daigdig mula sa mga kuko ng lagim, at problema niya ngayon kung paano iluluwa ang mahiwagang bato. Pinilit niyang dumuwal, dumuwal na tila nagdadalang-tao, ngunit imbes na bato ang lumabas sa kaniyang bibig ay hinanakit sa kapangyarihang mula sa malayong daigdig. Kung dalisay na puso [...]

Hunyango sa Bato

Paglalakbay, pakikikipagsapalaran, at paghuhunos ng inhinyerong nangangarap maging manunulat ang pinapaksa ng Hunyango sa Bato (2004) ni Abdon M. Balde Jr. Maluwag ang sipat ng pangunahing tauhan, at sa kaniyang pananaw ay mauungkat ang mga kontrobersiyal, at malimit maanomalya, na pagawaing-bayan at multi-milyong proyektong pang-inhinyeriya. Kabilang sa binanggit ang pamosong pagguho ng Ruby Tower sa [...]

Aklasang Bayan sa EDSA

May ilang mito na marapat ituwid sa Aklasang Bayan sa EDSA (EDSA People Power). At kabilang dito ang paniniwalang hanggang pag-aaklas ng mga armadong kawal lamang ng pamahalaan ang magpapakiling ng timbangan sa panig ng nag-aaklas. Noong 1986, makikita sa mga mata ni Kalihim ng Tanggulang Pambansa Juan Ponce Enrile ang sindak at pagkabalisa habang [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers