Sulat ng Dayaray, ni Noshi Gillani

mga tula sa wikang Urdu ni Noshi Gillani. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. SULAT NG DAYARAY Ngayong natuto ang dayaray na sumulat, Maisusulat nito ang taglagas bilang tagsibol Upang itumbas ang tagsibol na paghihintay. Ngayong ang dayaray ay natutong sumulat, Maisasalin nitong sumpa ang paglalagalag At sumpain ang matatapat sa matwid na [...]

Soledad, ni Angela Manalang Gloria

salin ng tula ni Angela Manalang Gloria. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SOLEDAD Isang sakrilehiyo, sigaw ng mga kapitbahay, Kung paano niya binasag ang bawat liníb Upang papasukin ang suwail. Hindi nila maarok Kung paanong ang babaeng hinubog ng dangal At nakasilid sa kristal na pangarap ay iwinaksi Ang kapita-pitagang panahon, o [...]

Ang Babaeng Minamahal ko, ni Hafez

salin ng tula ng makatang Iranian na si Hafez (Khwāja Šamsu d-Dīn Muḥammad Hāfez-e Šīrāzī). salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo, batay sa saling Ingles ni Daniel Ladinsky. ANG BABAENG MINAMAHAL KO Dahil ang Babaeng minamahal ko ay nabubuhay Sa  kaloob-looban mo, Lumalapit ako sa katawan mo sa anyo ng mga salita Hangga’t [...]

Simula ng Pag-ibig, ni Jason Montana

salin ng tulang “Love Beginning” ni Jason Montana. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. SIMULA NG PAG-IBIG Ngayong umaga’y umimbulog ang pulang banog upang tingnan ang iyong pag-akyat sa kubling bagnos. Samantala, umaawit ako sa mga ganitong tarik ng pagmamahal na sumisibol sa Ifugaw na langit. Naglaho ang maiitim na pangkat ng mga [...]

Bugtong kong Paraluman

Salin ng katutubong ambahan na pumapaksa hinggil sa kasal, at sinulat ng di-kilalang awtor na itinala ng Mangyan Heritage Center. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. BUGTONG KONG PARALUMAN Bugtong kong paraluman Akin ka balang araw Di ako hihiwalay Sa iyo habang búhay. Lumayo pag namatay Ang di maiiwasan Kahit ng aking tatay [...]

Panahon at Bilanggong Ibon, ni Maya Angelou

salin ng tatlong tula ni Maya Angelou. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. PANAHONG LUMILIPAS Madaling-araw ang balát mo At ang akin ay takipsilim. Ipinipinta ng isa ang simula ng tiyak na pagwawakas. At ang kabila, ang wakas ng tiyak na pagsisimula. ANGAS Iabot sa akin ang iyong kamay Paraanin ako upang mamunò [...]

Salita at likha ni Tomaz Salamun

salin ng mga tula ni Tomaž Šalamun na mula sa Slovenia salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo MGA SALITA Sumasalok ka ng tubig sa pamamagitan ng karayom, at ang tubig ay nagiging malapot na banlik. Itinuro mo ang punongkahoy, at ang punongkahoy ay biglang nagliyab. Hinati mo sa pamamagitan ng anino ang mga [...]

Simula at mga tula ng paglaya, ni Ibrahim Nasrallah

Salin ng mga tula ni Ibrahim Nasrallah, batay sa bersiyong Ingles nina Ibrahim Muhawi, Omnia Amin at Rick London. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. TULIRO Noong unang panahon, ani mga kabayo, kailangan namin ng kapatagan ani mga agila, kailangan namin ng mga bundok ani mga ulupong, kailangan namin ng mga lungga ngunit [...]

Gabi at Tanikala ni Ahmad Shamlu

Dalawang tula ng makatang Iranian na si Ahmad Shamlu Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SA GABI Sa gabi, kapag ang pinilakang buwan ay nagpapalawà ng malawak na lupain, ibinubukad ko ang mga layag ng guniguni sa landas ng hangin. Sa gabi, kapag tahimik na tahimik ang mga pasyok sa malalalim na sanaw, [...]

Riple at Pag-ibig ni Heberto Padilla

Mga tula ng makatang Cubano, Heberto Padilla, mula sa orihinal na Espanyol Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG LUGAR NG PAG-IBIG Natatanaw ko lagi sa balikat mo ang mundo. Sumisiklab ito sa gitna ng mga unos. Ito ang piraso ng bulók na kahoy, ang lumang parol na lumulutang wari sa hihip ng [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers