Maraming Mansiyon ang Tahanan ng aking Ama, ni Michael Hofmann

Maraming Mansiyon ang Tahanan ng aking Ama Sino ang makapagsasabing nakatakda tayo sa isa’t isa, ang aking ama at ako, naglalakad sa labas, magkadaop ang mga palad sa likod gaya ng iminungkahi ni Goethe? Napatungó tayo sa mabibigat na sulyap—ang hinaharap, ang kalang sa bangketa na naroon ang sapatos natin. . . Sa panig mo, [...]

Talinghaga ng Pag-ibig, ni Nizar Qabbani

salin ng tatlong tula ni Nizar Qabbani. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Kapag umibig ako Kapag umibig ako wari ko’y hari ako ng panahon. Taglay ko ang mundo at lahat ng lalang nito at sakay ng kabayo pahagibis sa araw. Kapag umibig ako naghuhunos akong agos ng liwanag na ni hindi matalos [...]

Pakikiapid, ni James Dickey

salin ng tulang “Adultery” ni James Dickey. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Pakikiapid Nanahan lahat tayo sa mga silid na hindi natin iiwan, At kakatwang lugar, at makulimlim. Malimit nakadipa Ang mga Indiyan sa gilid ng mga burol Habang lumiliwayway at lantad sa Dakilang Espiritu O gumagaod sa bangka o ninipat sa [...]

Sendad

Tunghayan ang katawan, at kung nagmumurang kamatis ka, maaaring madagdagan ng bilbil ang baywang, mabawasan ng newron ang utak, o kaya’y umaliwalas ang mukha na parang galak na galak sa magdamag na pagniniig. Mararanasan ang pananabik pagkaraan, ang pangangati at ang pagkagumon lalo’t ritwal na inuulit-ulit ang kabaliwan, at kung hindi magtitiis ay magwawakas sa [...]

Hustisya at Kahirapan sa Nobela ni Valeriano Hernandez Peña

Isa sa mga nobelang Tagalog ang Miminsan Akong Umibig: Kasaysayan ng Mag-inang Mahirap (1905) ni Valeriano Hernandez Peña na masasabing pinagpigaan ng mga iyaking nobelang komersiyal, nobelang komiks, at telenobela sa kasalukuyan. Ngunit taliwas sa dapat asahan, ang nobela ni Hernandez Peña ay hitik sa sapin-saping pangyayaring may hibo ng realismo, na nagpapamalas ng kuwento [...]

Pasiya

Nakatimo sa kaniyang ulo ang pinagmulan, at ang paglingon ay katumbas ng lungsod ng asin at pag-ulan ng mga bulalakaw. Siya, na naglandas sa hanggahan ng bawal, ang nakauunawa ng pag-ibig na hinaharang ng mga tabak at tinik na makamandag. Hinahatak siya ng dibinong tinig pakiling sa kaligtasan—para manahan sa bagong bahay at lumang buhay—kahit ang kumukutob sa kaniyang [...]

Langit at Lihim ni Carlos Drummond de Andrade

salin ng dalawang tula ni Carlos Drummond de Andrade. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Pighati sa Langit May oras ng pighati sa langit. Matinding oras na sakop ng duda ang mga kaluluwa. Bakit ko nilikha ang mundo? naisip ng Diyos, At ang mga sagot: Hindi ko alam. Sumalungat sa kaniya ang mga [...]

Kapag mahal ng babae ang lalaki, ni David Lehman

KAPAG MAHAL NG BABAE ANG LALAKI Salin ng “When a Woman Loves a Man” ni David Lehman. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Pag sinabi ng babae na margarita, nais niya’y daiquiri. Pag sinabi ng dilag na mapangarapin, nais niya’y maliksi. At pag winika niyang, “Ayaw na kitang kausapin pa,” nangangahulugan ito ng, “Yakapin mo akong [...]

Anos

Matutunghayan isang araw na tumatawid ka sa lansangan ng apoy at guho. Ang palasyo na tinutuluyan mo’y alaala na lamang ng abo at usok. Naubos ang mga punongkahoy at halaman sa bakuran. Humilig kung hindi man tumumba ang mga poste at pader. Nagsisilikas ang iyong mga kaanak at kapitbahay, at nag-uunahan sa pagsakay sa trak, [...]

Isang Anyo ng Lagablab, ni Ophelia Alcantara Dimalanta

salin ng “A Kind of Burning” ni Ophelia Alcantara Dimalanta. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. ISANG ANYO NG LAGABLAB ito marahil ay sapagkat sa isang paraan o iba pa pinaiiral natin ang distansiyang ito magkalayo tayo gayong magkalapit sa maraming direksiyon sa sukdulang ingay kung paanong ninais natin ang parehong munting layon [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers