Ikaw

Ikaw ang aking simula at wakas ng pantig Ikaw ang pintig ng simula hanggang wakas Ikaw ang wakas ng pintig ng aking simula Ikaw ang simula ng aking wakas na pintig Dahil ikaw ang pantig ng aking pintig Dahil ikaw ang pintig ng aking pantig Ikaw na wakas at simula ng mga pangalan Ay siyang [...]

Sa Bintana, ni Carl Sandburg

Salin ng tulang “At a Window” ni Carl Sandburg. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Sa Bintana Itulot sa akin ang gutom, O mga bathala na nakaupo at nag-uutos Sa daigdig. Itulot sa akin ang gutom, kirot, kasalatán, Ibilibid ako sa kahihiyan at kabiguan; Mula sa inyong mga ginto’t tanyag na pinto’y Ibigay [...]

Ang Babaeng Minamahal ko, ni Hafez

salin ng tula ng makatang Iranian na si Hafez (Khwāja Šamsu d-Dīn Muḥammad Hāfez-e Šīrāzī). salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo, batay sa saling Ingles ni Daniel Ladinsky. ANG BABAENG MINAMAHAL KO Dahil ang Babaeng minamahal ko ay nabubuhay Sa  kaloob-looban mo, Lumalapit ako sa katawan mo sa anyo ng mga salita Hangga’t [...]

Gabi at Tanikala ni Ahmad Shamlu

Dalawang tula ng makatang Iranian na si Ahmad Shamlu Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SA GABI Sa gabi, kapag ang pinilakang buwan ay nagpapalawà ng malawak na lupain, ibinubukad ko ang mga layag ng guniguni sa landas ng hangin. Sa gabi, kapag tahimik na tahimik ang mga pasyok sa malalalim na sanaw, [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers