Dapithapon

Dapithapon Huminto at lumampas ang mga sasakyan, tumambay at humakbang ang mga anino, ngunit ikaw ay hindi nasilayan sa kanto. Larawan ng wala, ikaw ang mga paglalakbay. Mauunawaan ka ng pulis sa ilalim ng tulay at lulundo ang tulay sa pangako ng mga ilog. Sapagkat ikaw ay mainipin gaya ng panahon, habulin ng tanaw ay [...]

Panalangin ni C.P. Cavafy

Salin ng tulang Griyegong Δέησις (Panalangin) mula sa koleksiyong The Canon ni C.P. Cavafy, at batay sa saling Ingles ni John Cavafy at nina Edmund Keeley at Philip Sherrard Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Panalangin Hinigop ng dagat tungo sa itim na kailaliman ang magdaragat. Isang ina ang nagsindi ng kandila para [...]

Mga Hulagway sa Kamay ni Renata Domagalska

Malikot, malandi, at marikit ang mga hulagway na iginuguhit ni Renata Domagalska. Sumasayaw sa kambas ang kaniyang mga binibini sa himig ng flamenco, at tatatak sa gunita ang mga mukhang animo’y namimighati ngunit nagmamahal. Marahas, mabilis, magaspang ang hagod ng mga kulay, mga kulay na bagaman mababansagan ng impresyonismo o ekspresyonismo ay ibig kumawala sa mga [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers