Komunikasyon at Pagsagap sa Pahiwatig

Hindi nakapagtataka kung inuulan ng batikos kahit ang ngiwi ng ating Pangulo nang maghayag ito ng saloobin hinggil sa trahedya sa Maynila. Bagaman walang intensiyon si Pang. Noynoy Aquino na makapanakit sa damdamin ng mga kaanak ng nasawi sa pamimihag ay di-naiwasang basahin ang kaniyang pahiwatig sa negatibong paraan. Bahagi ng komunikasyon ng mga Filipino [...]

Dominyo ng Jejemon

Sirkulo ng mga Jejemon ang pinag-iinitan ngayon ng mga awtoridad, at kabilang na rito ang Kagawaran ng Edukasyon. Portmanteau, o pinagsanib na mga salita ang “jejemon.” Mauugat ito sa “jeje-” (na katumbas ng mahinang pagtawa at binibigkas sa Espanyol na “hehe,” gaya ng Espanyol na “jefe” na “hepe” sa Filipino) at “-mon” na mula sa [...]

Tatlong Awit, ni Mary Oliver

Salin ng tulang tuluyan ni Mary Oliver mula sa orihinal na Ingles. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. TATLONG AWIT 1 Bumaba mula sa dalisdis ang isang pangkat ng ilahás na pabo. Marahan silang dumating—at habang naglalakad ay nagsiyasat ng anumang makakain sa ilalim ng mga dahon, at bukod dito’y kalugod-lugod humakbang nang [...]

Pook-aliwan at Sangguniang Aklat

Binasbasan ng mga sangguniang aklat sa elementarya at hay-iskul ang ilang pook sa Filipinas na ngayon ay paboritong destinasyon ng mga turista tuwing tag-araw. Ang gayong pagkanonigo ay gagayahin kahit sa paggawa ng kalendaryo, poskard, at poster, at maibibilang sa pangunahing tampok ng Kagawaran ng Turismo.  Ilan sa mga pamosong pook ang  Baguio,  Banaue, Boracay, [...]

Isang Taon ng Alimbukad

Nakatataba ng puso ang pagsusulat sa Alimbukad, at hindi ko inaasahang makaaabot ito ng isang taon. Aaminin kong napilitan lamang ako noon na magsimula, dahil sa udyok ng mga kaibigang gaya nina Anwar at Christopher na pawang batikan sa kompiyuter. “Bakit di mo subukin?” untag nila sa akin. “Baka yumaman ka, at sumikat. . . [...]

Malikhaing Pagnanakaw sa Sining ng Komunikasyon

Plahiyo ang taguri sa tandisang pangongopya—o sabihin nang pagnanakaw—ng isang akda upang palabasing sinulat mo iyon nang wala man lang pagkilala o pagsipi sa orihinal na awtor at pagkakitahan ang naturang akda pagkaraan. Ang ganitong kalakaran ay laganap sa internet, ngunit hindi ako magtutuon doon. Gagawin kong halimbawa ang isang sangguniang aklat na lumalaganap sa [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers