Ang Diktador

Sisikip ang mga lansangan sa mga kumpeti at sasakyan. Aalingawngaw ang tinig na magpapakilala sa mga bathala. Nuwebe de Pebrero. Ito ang sandali ng digmaan ng lahat ng digmaan. Sa Kalye Olympus ay maghahari si Zeus, at itataboy ng libak ng pagkagapi si Kronus. Magtatagumpay si Zeus sa tulong ng mga pangitain at bulong ni [...]

Konsepto ng “Balatkayo” sa “Si Tandang Basio Macunat”

Tumutukoy ang “balátkayô” sa masining na pagkukunwari, at paglilihim sa tunay na anyo at katauhan, upang mapaniwala ang sinumang tao na tumitingin. Tumutukoy din ito sa kasangkapan o kasuotang ginagamit upang ikubli ang tunay na anyo ng isang tao o bagay. Mahihinuhang hango sa dalawang salitang pinagtambal ang “balatkayo” (balát+kayo), ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino. [...]

Filipino: Paraan ng Pagtanaw at Pananaw

Ang salitang “Filipino” ay malimit nasa bingit ng tunggalian, mulang pagpapakahulugan hanggang pagsasabuhay. Tumutukoy ang “Filipino” rito bilang kapuwa tao at wika, at sa lahat ng kaugnay na katangian nito. Ipaliliwanag ng gaya ni Renato Constantino na ang “Filipino”  ay isang elitistang konseptong hitik sa pagpapakahulugang mapag-aglahi. Ito ang dating tawag sa mga Espanyol na ipinanganak [...]

Kasarian, Silakbo, at Kapangyarihan sa mga Kuwento ni Bienvenido A. Ramos

Hindi na mabubura sa mga pahina ng panitikang Filipino ang pangalang Bienvenido A. Ramos, at may kaugnayan ito sa kaniyang mga kuwentong pumapaksa sa kasarian, silakbo, at kapangyarihan na pawang nalathala sa Liwayway at iba pang magasing komersiyal. Madidilim ang mga kuwento ni Ramos, ngunit ang gayong pangyayari’y nagkukubli lamang sa pagtatanggol ng puri, pagbawi [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers