Ang Pag-ibig, ayon kay Paramahansa Yogananda

salin ng tula ni Paramahansa Yogananda salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANO ANG PAG-IBIG Ang pag-ibig ay halimuyak ng sumupling na lotus. Ito ang tahimik na koro ng mga talulot Na umaawit ng armonya ng taglamig na pantay Ang kariktan. Ito ang awit ng kaluluwa, na humihimig sa Diyos. Ito ang balanseng ritmo [...]

Ang mga Alon

Malawak na dagat ang guniguni, at ang mga alon ay tumatakbong metalikong kabayo na sinasakyan ng kaniyang katauhan. Kumikitid ang isip kapag dumadaong sa hanggahan ng tangway at tangrib, ngunit lumalawak muli tuwing binubuksan sa elektrisidad ng araw at elektridad ng hangin. Nakatimo sa laot ang isang pulo, na maaaring nagkukubli ng pangalan ng imperyal [...]

“Ang Baliw” ni Kahlil Gibran

salin ng “The Madman” ni Kahlil Gibran salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG BALIW Nagtanong ka kung paano ako naging baliw. Ganito ang nangyari: Isang araw, bago pa isilang ang maraming diyos, nagising ako mula sa malalim na paghimbing at natuklasang ninakaw ang lahat ng maskara ko—ang pitong maskara na aking hinubog [...]

Mula sa Selda

Sasakay ako ng eroplano—yamang naturingang baliw—at iikutin ang mundo sa loob ng kusina o aklatan, at mapapagod dahil wala namang pinupuntahan. Sasakay ako ng submarino at sisisirin ang karagatan sa palibot ng bakuran, at mapapagal dahil palulutangin naman ng armada ng mga bantay. Sasakay ako ng bus patungong kabundukang walang kaparis, habol-habol ng matatapat na [...]

“Babala sa Mambabasa” ni Robert Bly

Salin ng tulang tuluyan mula sa Ingles ni Robert Bly Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo BABALA SA MAMBABASA Nagiging bukod-tanging maganda minsan ang mga kamalig kapag naglaho na ang mga trigo at robles, at winawalis ng simoy ang alikabok sa sahig. Masisilayan natin ang paligid, habang nakatayo sa loob,  na naglalagos sa [...]

Si Juan Masili at ang Anyo ng Mala-Nobelang Tagalog

Mahabang kuwentong matataguriang mala-nobela ang akdang Juan Masili o ang Pinuno ng Tulisan (1906, Luzonica Libreria) ni Patricio Mariano. Masasabi ito kung ang gagamiting pamantayan ay ang mahabang tradisyon ng pagsulat ng nobela sa Ewropa. Mura pa ang edad ng pagsulat ng nobela sa Tagalog noong bungad ng siglo 20, at ang mga manunulat ay [...]

Pamulinawen: Isang Pagbasa sa Epiko ni Jose A. Bragado

Si Jose A. Bragado ay isa sa mga iginagalang na manunulat na Ilokano na mangangatha, peryodista, editor, at makata na nagtamo ng mga parangal sa mga institusyong gaya ng GUMIL at UMPIL, at nakapaglakbay sa ibayong dagat upang magbigay ng mga panayam o katawanin ang bansa sa mga kumperensiya. Nakasulat aniya siya ng 16 nobela, [...]

Ang Trahedya ng Bayani sa Pangwakas na Hudhud

Kalugod-lugod na proyekto ang Huling Hudhud ng Sanlibong Pagbabalik at Paglimot para sa Filipinas kong Mahal (2009, C&E Publishing) ni Rio Alma, ang alyas ng Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario. Sa nasabing akda’y muling itinatampok ang paghahanap ng mga butil ng hiyas sa Filipinas, at tinutuklas sa tatlong pananaw ang kaakuhan ng Filipino. [...]

Henosidyo sa Gaza at Pananahimik ng Daigdig

Nililipol ng Israel ang mga Palestino sa ngalan ng pagsupil sa Hamas, ngunit nananatiling tahimik ang gobyernong Filipinas, gaya ng nakatutulig na pananahimik ni Pang. Barack Obama. Nang atakihin ang Mumbai, halos magkoro ang pahayag ng mga pinuno at pangulo ng iba’t ibang nasyon o bansang pumapanig sa India. Ngayon, dinudurog ng Israel ang Gaza [...]

Wika ng Kabagsikan

Ngayong sumisiklab ang digmaan sa Gaza, makabubuting pagbulayan ng mga Filipino ang wika ng kabagsikan. Wika ang humuhubog sa kamalayan ng tao, at ang wikang ito ay maaaring magtaglay ng mga ewfemismo, tayutay, at pakahulugang nagkukubli sa tunay na pinsala, paglipol, at pagwasak sa malaking populasyon at pamayanan. Sa panig ng hukbong Israeli, ang ginagawa [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers