Lutong Makaw

Hindi resiping pinasikat ni Chef Pablo Boy Logro ang “lutong makaw,” ngunit lumutang muli ang salita sa nakalipas na 2012 Philippine International Guitar Festival and Competition, na ginanap sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Tumutukoy ang “lutong makaw” sa di-patas na pagtrato sa anumang timpalak o paligsahan, at ang nagwawagi ay nababatikan dahil sa pagkiling ng [...]

Panahon at Gitara

Amansinaya Añonuevo sa konsiyerto ng “Kuwerdas ng Panahon” noong 11 Disyembre 2010 sa Tanghalang Pasigueño. Kuhang-retrato ni Paul Lois Montero. Matagumpay na idinaos ang Kuwerdas ng Panahon: A Classical Guitar Concert sa Tanghalang Pasigueño noong 11 Disyembre 2010, at ibig kong pasalamatan ang lahat ng tumulong sa proyektong ito:  PIAN Manila Chapter, RCBC Savings Bank, [...]

Rakrakan

Kumikislot ang gitara sa sulok ng silid, at narinig ito ng binatilyong marahil ay nagdedeliryo sa pangangarap. Lalapitan niya ang gitara at ang gitara’y lalandi, hanggang ito’y maghunos na eksotikong leopardo na may tinig ng dalagita na kinikilig sa haplos ng simoy at gabi. Aawit ang halimaw na makapupukaw sa kawan ng kambing at itik. [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers