Kumpisal

Kung ang katotohanan ay balaraw na iluluwal ng bibig, masasalo ba ng dibdib ang maiiwang sugat o kamatayan? Paano sasagapin ng makikinig ang kaniyang pagwawakas? Naisip niya ang gayon, isang gabi habang umiinom sa paboritong tambayan, at umiingay ang paligid sa mga espiritu ng libog at lason, at wala ang paraluman sa langit o bulsa [...]

Hindi dapat pumanatag sa bighani ng magdamag

Salin ng tulang “Do not go gentle into that good night” ni Dylan Thomas. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. HINDI DAPAT PUMANATAG SA BIGHANI NG MAGDAMAG Hindi dapat pumanatag sa bighani ng magdamag. Dapat taglay ng matanda ang silakbo nitong araw; Mapoot ka, mapoot ka’t nauupos ang liwanag. Mga pithó’y sadyang batid [...]

Gabi at Tanikala ni Ahmad Shamlu

Dalawang tula ng makatang Iranian na si Ahmad Shamlu Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SA GABI Sa gabi, kapag ang pinilakang buwan ay nagpapalawà ng malawak na lupain, ibinubukad ko ang mga layag ng guniguni sa landas ng hangin. Sa gabi, kapag tahimik na tahimik ang mga pasyok sa malalalim na sanaw, [...]

Lambat at Magdamag ni Rabindranath Tagore

Mga tulang tuluyan ni Rabindranath Tagore Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo INIHAGIS KO ANG AKING LAMBAT SA DAGAT Inihagis ko kinaumagahan ang aking lambat sa dagat. Hinila ko mula sa maitim na kailaliman ang mga bagay na kakatwa at kakatwang kariktan—kumislap ang ilan gaya ng ngiti, kuminang ang iba gaya ng luha, [...]

Tatlong Sarili ni Juan Ramón Jimenéz

Tatlong tula ni Juan Ramón Jimenéz Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo KARAGATAN May kutob ako na ang aking bangka ay bumangga, doon sa kailaliman, sa dambuhalang bagay. At walang naganap! Wala. . . Katahimikan. . . Mga alon. . . . —Walang nangyari? O nangyari lahat, at nakatayo tayo ngayon, tahimik, sa [...]

Tatlong Talinghaga ni Ho Chi Minh

Mga tula ni Ho Chi Minh Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo GABI NG TAGLAGAS Sa tarangkahan, sakbat ng bantay ang tangang riple. Tumatakas sa kapal ng ulap ang buwan sa himpapawid. Ang paglusob ng laksang surot ay hukbo ng mga tangke sa gabi. Ang eskuwadron ng mga lamok ay alon ng salakay [...]

Mga tula ng paglalakbay ni Immanuel Mifsud

salin ng mga tula ng makatang Slovak Immanuel Mifsud salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG BATO May isang bato na ibig kong itago mo. Nakatago ito sa aking dibdib na kumikirot. Ibig kong kunin mo iyon, gawing bulaklak upang bigyan ng mga kulay ng iyong anyo. Lumuluha ang bato tuwing takipsilim at [...]

Mga Tulang Tuluyan ni Ridvan Dibra

salin ng mga tulang tuluyan ni Ridvan Dibra mula sa wikang Albanian, at batay sa saling Ingles ni Robert Elsie. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. PAG-IBIG NG MGA ALAKDAN Taliwas sa mga tao at ulupong at iba pang hayop na pawang nagtataglay ng lason sa kanilang bibig, ang mga alakdan ay nagtatago [...]

“Ang Rosas at ang Mesa” ni Hugo von Hofmannsthal

Salin ng “Die Rose und der Schreibtisch” (1892) ni Hugo von Hofmannsthal, batay sa saling Ingles ni Johannes Beilharz Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG ROSAS AT ANG MESA Alam kong hindi nahuhulog nang kusa sa bukás na bintana ang mga bulaklak. Lalo na kung gabi. Ngunit hindi iyan ang mahalaga. Isang [...]

“Pinto ng Gabi” ni Cecília Meireles

salin at halaw ng tula ni Cecília Meireles mula sa Portuges de Brazil salin at halaw sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo PINTO NG GABI Sumasapit ang mga anghel upang buksan ang pinto ng gabi sa sandaling napakalalim ng ating paghimbing at malaganap ang katahimikan sa kaligiran. Mabubuksan ang pinto’t mapapabuntong-hininga tayo. Sumasaliw ang [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers