Bulkan at Baybay

Maliligaw ka minsan sa mga pook na ito, at kung wala mang salapi, sapat na ang iyong matalas na gunita upang ipaloob ang mga hulagway na maaaring hindi na muling maulit pa sa hinaharap. Mulang bulkan hanggang dalampasigan, asahan ang pagbabanyuhay. (Mga kuhang larawan ni Bobby Añonuevo. Albay, Bikol. 2012.)

Tatlong tula ni Fazil Husnu Daglarca

salin ng tatlong tula ng Turkong makata na si Fazil Husnu Daglarca. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Higit na matalino sa atin ang tubig Higit na matalino sa atin ang tubig; maaga nitong natatanaw ang gabi. Mula sa langit tungo sa dilim ito’y nagbabalik At kisapmatang naglalaho gaya ng dambuhalang isda Habang [...]

Bantayan

Kung ito ang pook na laan sa mga destiyero, wiwikain marahil ni Fides, ang mamuhay nang bilanggo ay paraiso. Hindi tatanawing pader ng mga bilibid ang mga alon, bagaman nakayayanig sa unang pagkakataon sa panig ng mga binyagan ang katahimikan ng dayaray at harana ng mga kuliglig. Sa pagitan ng mga bituin at buhangin ay [...]

Kulam

Natuklasan ng huklubang mangkukulam ang bisa ng bulóng, at isang gabi ay sinubok niyang isakay sa simoy ang mga salita. Ang unang pagtatangka ay nagbunga ng alimpuyo ng alikabok, na humalo sa ulop na hatid ng tuyot na buntot ng Nobyembre. Ipagpalagay na bukod na sistema solar ang ipuipo, at ikaw na nakamamasid ay makararamdam [...]

Sa Gabi, ni Franz Kafka

salin ng tulang tuluyan ni Franz Kafka. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. . . . . . . Ganap na naglaho sa magdamag. . . . . . . Tulad ng tao na napatungo para magbulay, kaya ganap na nawala sa gabi. . . . . . . Tulog na ang mga tao sa [...]

Mga Bakwet, ni Randall Jarrell

salin ng tulang “The Refugees” ni Randall Jarrell. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Walang bakanteng upuan sa gusgusing tren. Nakalupasay ang batang may punit na maskara Sa basura ng wasak na silid. Maringal ba ang kanilang kapanatagan? May mukha at búhay silang gaya mo. Ano ang taglay nila para pumayag magkasiya sa [...]

Mensahe para sa KASUGUFIL (Kapisanan ng mga Superbisor at Guro sa Filipino)

Malaking karangalan ang humarap sa kalipunan ng mga guro, dahil ang pagharap na ito’y maituturing na pagkilatis sa sariling katauhan na hinubog din ng mga guro sa loob at labas ng paaralan. Parang humaharap ako sa salamin na maraming panig, at bawat anggulo’y lumilikha ng anyo o hulagway na kung hindi matapat sa realidad ay [...]

Gabi ng Taglagas ni Viggo Stuckenberg

Salin ng katha ni Viggo Stuckenberg, at batay sa saling Ingles ni Anthony Weir. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. GABI NG TAGLAGAS Nakatirik ang tore sa gilid ng kahuyan, ang luma’t naaagnas na tore na binalot ng lumot at palumpong ang mga silipang butas, na pawang pinalooban ng mga damo ang mga puwang [...]

Kuliglig at Ilaw, ni Charles Simic

salin ng mga tula ni Charles Simic. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. MGA KULIGLIG Mapapalad ang mga hindi Nauubusan ng panahon Sa kailaliman ng magdamag, Ngunit hila ang mga paa nito, Bilanggo ng sandali, Tulad ng nag-iisang layag Na nakabitin sa baybayin Habang takipsilim, May ilang kanaway Na kapiling doon sa langit, [...]

Awit ng Sugat, ni Farrokh Tamimi

salin ng tatlong tula ng makatang Iranian Farrokh Tamimi. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. TAGLAGAS Hungkag ang pugad ng mga uwak na nasa sangang tuyot ng ubaning sikomoro. Sa himpapawid, dalawang satin-tinta ang pumatak. BUHAY Hiniwa ko ang gabi sa labaha ng umaga at isinabit ang araw sa bulawang kuwadro sa nabiyak [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers