Dapithapon

Dapithapon Huminto at lumampas ang mga sasakyan, tumambay at humakbang ang mga anino, ngunit ikaw ay hindi nasilayan sa kanto. Larawan ng wala, ikaw ang mga paglalakbay. Mauunawaan ka ng pulis sa ilalim ng tulay at lulundo ang tulay sa pangako ng mga ilog. Sapagkat ikaw ay mainipin gaya ng panahon, habulin ng tanaw ay [...]

Tahanan ng mga Bituin, ni Toshio Nakae

salin ng tulang tuluyan ni Toshio Nakae. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Tahanan ng mga Bituin Naitatag sa kung saang sulok ng himpapawid ang bahay nang walang tulong ng sinumang klasikong disenyador o abanggardistang arkitekto. Naitindig ang bahay nang walang tunog ng palo ng martilyo ni garalgal ng makinang tagapaghalo ng kongkreto. [...]

Aral at Landas mula kay Balagtas

Hitik sa parikala ang tema ng pagdiriwang sa Araw ni Balagtas ngayong taon (“Mga Aral ni Balagtas, Gabay sa Tuwid na Landas”). Una, dahil kahit nakatimo sa mga tula o dula ni Francisco Balagtas ang mga aral, ang mga aral na ito ay nagmumula sa kinathang tauhan na posibleng nililitis mismo ng makata upang itanghal [...]

Bawat angking Kimera, ni Charles Baudelaire

salin ng “Chacun sa chimère” ni Charles Baudelaire. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. BAWAT ANGKING KIMERA Sa ilalim ng malawak, abuhing langit, sa maalikabok, di-maliparang uwak na kapatagang walang bagnos, walang damo, walang baging ni palumpong, nasalubong ko ang ilang tao na hukót kung maglakad. Bawat isa sa kanila’y pasan ang malaking [...]

Tatlong Awit, ni Mary Oliver

Salin ng tulang tuluyan ni Mary Oliver mula sa orihinal na Ingles. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. TATLONG AWIT 1 Bumaba mula sa dalisdis ang isang pangkat ng ilahás na pabo. Marahan silang dumating—at habang naglalakad ay nagsiyasat ng anumang makakain sa ilalim ng mga dahon, at bukod dito’y kalugod-lugod humakbang nang [...]

Mga Kubling Lungsod ni Italo Calvino

salin ng akda ni Italo Calvino salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Sa Olinda, kapag masusing nagsiyasat ka sa pamamagitan ng lente, matatagpuan mo ang pook na hindi hihigit sa ulo ng aspile, at kung titingnan iyon sa malaki-laki, ay mabubunyag sa loob nito ang mga bubungan, ang mga antena, ang klaraboya, ang [...]

Matulaing Katha ni Manuel Principe Bautista

Mahigit animnapung taon na ang nakalilipas nang unang malathala sa mga magasin at pahayagan ang karamihan sa mga kuwento ni Manuel Principe Bautista, ngunit ang kataka-taka’y tila bulaklak iyong nananariwa tuwing babalik-balikan ng sinumang mahilig sa panitikang Tagalog. Ang tinutukoy kong mga kuwento ay nakapaloob sa Ang Bahay sa Kabila ng Daan (Mga Katha) na hindi [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers