Tatlong Sarili ni Juan Ramón Jimenéz

Tatlong tula ni Juan Ramón Jimenéz Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo KARAGATAN May kutob ako na ang aking bangka ay bumangga, doon sa kailaliman, sa dambuhalang bagay. At walang naganap! Wala. . . Katahimikan. . . Mga alon. . . . —Walang nangyari? O nangyari lahat, at nakatayo tayo ngayon, tahimik, sa [...]

Awit at Pag-ibig ni Mahmud Kianush

Mga tula ni Mahmud Kianush Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo MANANATILI ANG AWIT Humuni ng matarling na awit ang ibon na nakadapo sa tangkay ng rosas, at inilatag ang sigaw ng kaluguran sa lawas ng hungkag na katahimikan. Naglaho ang rosas, ni walang iniwang bakás ng kulay o kaya’y halimuyak. Ngunit nang [...]

Ang Pantera ni Rainer Maria Rilke

salin ng “Der Panther” ni Rainer Maria Rilke salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG PANTERA Sa Hardin ng mga Halaman, Paris Napagod ang kanyang paningin sa bakod na rehas, At wala na iyong makita sa buong paligid. Nabatid na niyang wala nang iba pang may rehas, Sa likod ng laksang bilibid ay [...]

Tatlong Tula ni Vasko Popa

salin ng mga tula ng makatang Serbian Vasko Popa salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SA NAYON NG AKING MGA NINUNO May kung sinong yumakap sa akin At tumitig nang may paningin ng lobo At nagtanggal ng kaniyang sombrero Upang masilayan ko nang lubos Tinanong ako ng bawat tao sa daan Alam mo [...]

“Ang Rosas at ang Mesa” ni Hugo von Hofmannsthal

Salin ng “Die Rose und der Schreibtisch” (1892) ni Hugo von Hofmannsthal, batay sa saling Ingles ni Johannes Beilharz Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG ROSAS AT ANG MESA Alam kong hindi nahuhulog nang kusa sa bukás na bintana ang mga bulaklak. Lalo na kung gabi. Ngunit hindi iyan ang mahalaga. Isang [...]

“Pagkakataon” ni Jorge Luis Borges

salin ng tulang “Instantes” ni Jorge Luis Borges mula sa orihinal na Espanyol salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo PAGKAKATAON Kung isisilang muli ako para danasin ang buhay na ito, sa susunod ay sisikapin kong magkamali nang marami. Di ko susubuking maging perpekto’t higit na panatag ako. Magiging hangal ako kaysa dati, at [...]

Dalawang Tula ni Cecilia Woloch

salin ng dalawang tula ni Cecilia Woloch salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo CARPATHIA Hinugasan ang abok at bantot ng tren na Polish, nakiawit sa isang paslit. Kumain at tumawa at umiyak, tumagay ng vodkang may katas ng mansanas, at nagtinapay. Lumakad sa mga bukirin nang dapithapon, at sa gubat at pabalik muli— [...]

Dalawang Tula ni Eugenio Montale

salin ng mga tula ni Eugenio Montale mula sa Italyano at ibinatay sa saling-Ingles ni G. Singh salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo PAGBAGSAK NG HALAGAHAN Binasa ko ang gradwadong tesis ng estudyante hinggil sa pagbagsak ng halagahan. Sinumang bumagsak ay mahihinuhang nasa kaitaasan, at mahahalata, ngunit sino ang labis na gago? Wala [...]

“Sa Bulwagan ng Templo” ni Ko Un

Salin ng tula ng makatang Koreanong si  Ko Un Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SA BULWAGAN NG TEMPLO Ibagsak si Buda! Ibagsak ang guwapo at mapintog na Buda! Ano ang kaugnayan ng eleganteng balbas? Baklasin ang pintadong putang barakilan! Ulo ng dragon? Ano’ng silbi ng ulo ng dragon? Buwagin ang templong iyan, [...]

“Magpakalasing” ni Charles Baudelaire

Halaw at salin ng  “Enivrez-Vous” ni Charles Baudelaire mula sa orihinal na Pranses Halaw at salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo Magpakalasing Kailangan mong palaging malasing. Iyon lamang ang kailangan—at ang tanging paraan. Upang malimot ang karima-rimarim na oras na bumabali sa gulugod at nagpapakuba sa iyo, dapat kang malango nang walang humpay. [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers