Kulam

Natuklasan ng huklubang mangkukulam ang bisa ng bulóng, at isang gabi ay sinubok niyang isakay sa simoy ang mga salita. Ang unang pagtatangka ay nagbunga ng alimpuyo ng alikabok, na humalo sa ulop na hatid ng tuyot na buntot ng Nobyembre. Ipagpalagay na bukod na sistema solar ang ipuipo, at ikaw na nakamamasid ay makararamdam [...]

Ang Musika, ni Chard deNiord

salin ng tulang tuluyan sa Ingles ni Chard deNiord. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Ang Musika Kung mga nota sa ilog ang isda, hindi kailanman magkakapareho ang awit, kahit manatili ang tubigan. Mali si Heraklitus. Ang agos ang galaw ang lahat. Hipuin ang mananayaw habang umiikot at mananatili siyang mananayaw. Kaya ba [...]

Sa tahimik na gubat, ni Max Jacob

salin ng mga tulang tuluyan ni Max Jacob mula sa koleksiyong Le cornet à dés (1917). salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. 1889-1916 Noong 1889, maihuhubog sa salamin at allid ang mga trinsera. Dalawang libong metro paibaba, dalawang libong Polish na nakakadena ang hindi nakababatid kung ano ang ginagawa nila roon. Sa kanugnog [...]

In extremis

Sumasapit tayo sa hanggahan, at ang ating mga paa ay nakausli sa tungki ng bangin. Sa ganitong sukdol, may puwang pa ba ang kaba at pagbabantulot sa lawak ng tangway at matarik na batuhang dalampasigan? Tinatanaw natin ang malayong daigdig, tulad ng pagsipat ng kongkistador kung hindi man palaboy, kahit ang kamatayan ay nasa ilalim [...]

Sa Bintana, ni Carl Sandburg

Salin ng tulang “At a Window” ni Carl Sandburg. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Sa Bintana Itulot sa akin ang gutom, O mga bathala na nakaupo at nag-uutos Sa daigdig. Itulot sa akin ang gutom, kirot, kasalatán, Ibilibid ako sa kahihiyan at kabiguan; Mula sa inyong mga ginto’t tanyag na pinto’y Ibigay [...]

Awit ng Sugat, ni Farrokh Tamimi

salin ng tatlong tula ng makatang Iranian Farrokh Tamimi. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. TAGLAGAS Hungkag ang pugad ng mga uwak na nasa sangang tuyot ng ubaning sikomoro. Sa himpapawid, dalawang satin-tinta ang pumatak. BUHAY Hiniwa ko ang gabi sa labaha ng umaga at isinabit ang araw sa bulawang kuwadro sa nabiyak [...]

Bugtong kong Paraluman

Salin ng katutubong ambahan na pumapaksa hinggil sa kasal, at sinulat ng di-kilalang awtor na itinala ng Mangyan Heritage Center. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. BUGTONG KONG PARALUMAN Bugtong kong paraluman Akin ka balang araw Di ako hihiwalay Sa iyo habang búhay. Lumayo pag namatay Ang di maiiwasan Kahit ng aking tatay [...]

Mga Gondola, ni Henri Cole

Salin ng tulang “The Gondolas”  ni Henri Cole. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. MGA GONDOLA Napakatagal nang panahon nang lisanin niya ang bayan at hindi na niya matandaan ang mukha nito. Sa arena ng mga atleta, walang nakakikita sa kaniyang iniisip. Si Cristobal Colon, sa tarangkahan ng istadyum, ay nakaturo sa Bagong [...]

Isang Panahon sa Impiyerno, ni Arthur Rimbaud

salin ng “Une Saison en Enfer” ni Arthur Rimbaud mula sa Pranses. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. ISANG PANAHON SA IMPIYERNO Kangina lamang, kung tama ang pagkakatanda ko, ang buhay ko’y mahabang pagsasaya na bukás  ang lahat ng puso at umaagos ang lahat ng alak. Isang gabi, ikinandong ko ang Kagandahan.—At natuklasan [...]

Bawat angking Kimera, ni Charles Baudelaire

salin ng “Chacun sa chimère” ni Charles Baudelaire. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. BAWAT ANGKING KIMERA Sa ilalim ng malawak, abuhing langit, sa maalikabok, di-maliparang uwak na kapatagang walang bagnos, walang damo, walang baging ni palumpong, nasalubong ko ang ilang tao na hukót kung maglakad. Bawat isa sa kanila’y pasan ang malaking [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers