Sa Bintana, ni Carl Sandburg

Salin ng tulang “At a Window” ni Carl Sandburg. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Sa Bintana Itulot sa akin ang gutom, O mga bathala na nakaupo at nag-uutos Sa daigdig. Itulot sa akin ang gutom, kirot, kasalatán, Ibilibid ako sa kahihiyan at kabiguan; Mula sa inyong mga ginto’t tanyag na pinto’y Ibigay [...]

Kalayaang Huminga ni Aleksandr Solzhenitsyn

salin ng tulang tuluyan ni Aleksandr Solzhenitsyn batay sa saling Ingles ni Michael Glenny salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo KALAYAANG HUMINGA Umulan noong gabi at tumakip ang maiitim na ulap sa himpapawid, at pagbugso-bugsong umambon nang malamig. Nakatayo ako sa lilim ng punong mansanas na namumukadkad, at huminga. Bukod sa punong mansanas,  [...]

Ang Pantera ni Rainer Maria Rilke

salin ng “Der Panther” ni Rainer Maria Rilke salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG PANTERA Sa Hardin ng mga Halaman, Paris Napagod ang kanyang paningin sa bakod na rehas, At wala na iyong makita sa buong paligid. Nabatid na niyang wala nang iba pang may rehas, Sa likod ng laksang bilibid ay [...]

Mula sa Selda

Sasakay ako ng eroplano—yamang naturingang baliw—at iikutin ang mundo sa loob ng kusina o aklatan, at mapapagod dahil wala namang pinupuntahan. Sasakay ako ng submarino at sisisirin ang karagatan sa palibot ng bakuran, at mapapagal dahil palulutangin naman ng armada ng mga bantay. Sasakay ako ng bus patungong kabundukang walang kaparis, habol-habol ng matatapat na [...]

Pangitain at Kalapati ni Ivan Yakovych Franko

salin ng dalawang tula ng makatang Ukrainian Ivan Yakovych Franko (1856-1916) salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo Ang Kalapati Nakaupo ang ermitanyo sa kaniyang ulilang selda, Malayo at nasa puso ng sinaunang liblib na kahuyang Walang maririnig kundi ang huni o siyap ng mga ibon, At bulong ng mga dahon habang taas-baba ang simoy. [...]

Preso sa katha nina Benjamin P. Pascual at Benigno R. Juan

Maselang paksa ang buhay ng preso, kaya ginagamit itong materyal sa paglikha ng kuwento, tula, dula, pelikula, sayaw, awit, eskultura, pintura, at iba pang anyo ng sining. Maihahalimbawa ang mga akdang pampanitikan nina Benigno Ramos, Iñigo Ed. Regalado, Amado V. Hernandez, at Teo S. Buhain hanggang kina Wilfrido Pa. Virtusio, Benjamin P. Pascual, Benigno R. [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers