Isa sa kanilang mga bathala

Salin ng “Ενας Θεός των” (1917) ni C.P. Cavafy. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. ISA SA KANILANG MGA BATHALA Kapag ang isa sa kanila’y dumaan sa palengke ng Seleucia sa sandaling malapit nang dumilim, siya na may tangkad at kisig ng ganap na kabataan, na may tuwa ng inmortalidad sa kaniyang paningin, [...]

Dalawang Parabula ni Kahlil Gibran

Parabula at tulang tuluyan ni Kahlil Gibran Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo ANG BALYÁN Sinabi ko minsan sa balyán, “Pagod ka na marahil sa katatayo sa malungkot na bukiring ito.” At sumagot siya, “Malalim at tumatagal ang tuwa ng pangangalaga, at hindi ako kailanman napagal.” Sumabat ako, makaraan ang isang minutong pag-iisip, [...]

Ang Diktador

Sisikip ang mga lansangan sa mga kumpeti at sasakyan. Aalingawngaw ang tinig na magpapakilala sa mga bathala. Nuwebe de Pebrero. Ito ang sandali ng digmaan ng lahat ng digmaan. Sa Kalye Olympus ay maghahari si Zeus, at itataboy ng libak ng pagkagapi si Kronus. Magtatagumpay si Zeus sa tulong ng mga pangitain at bulong ni [...]

Utos ng Diyos

Hinubog ng diyos, alinsunod sa kaniyang hulagway, ang tao. Ito ang mensaheng tumagos sa iyong isip, at tinanggap nang maluwag at walang kurap sa mahabang panahon. Maaaring labis na mapagpakumbaba ang maykapal, tugon mo, at sa anyo ng isang mortal ipapadron ang kaniyang larawan. Ngunit ang gayong gawi ay paimbabaw; at lumilikha ng idolo ang [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers