Tula at Komentaryong Panlipunan ni Anastasio Salagubang

Sumikat ang talipanpan [pen name] na “Anastasio Salagubang” sa pitak na Buhay Maynila ng diyaryong Taliba noong mga taon 1927-1928 dahil sa pambihirang komentaryo nito sa lipunan. Araw-araw, binubulabog ng nasabing kolumnista ang bayan at pinupuna sa pamamagitan ng masisisteng tula ang baluktot na pamamahala ng awtoridad, itinutuwid ang magagaspang na asal o sinaunang kaugalian [...]

Hostage

Ipinamalas ng mga telebisyon network ang kapalpakan ng paglusob ng pulisya sa bus na binihag ni Rolando Mendoza na dating pulis na pinaltalsik pagkaraan dahil sa mga kasong kinasangkutan habang nanunungkulan. Una, mahina ang punong negosyador sa pagpapalaya ng mga bihag. Pinagbigyan masyado si Mendoza sa mga hiling nito. Maganda na ang pagsisikap ni Bise [...]

Tigre sa Kahuyan

TIGRE SA KAHUYAN Naaamoy ng mga asong-gubat ang iyong tagumpay. Susundan nila ang patak ng mga dugo mula sa hila-hila mong usa o kambing, hanggang matuklasan ang iyong kinaroroonan. Titingalain nila ang iyong tropeo na nakasabit sa matitigas na sanga, at maglalaway saka mag-aagawan sa pira-pirasong karne na mahuhulog habang nilalapa mo ang tanghalian. Makisig [...]

Dila

DILA Ituturing kang pitho na makasisilip sa pinto ng sasapit na kabutihan o kapahamakan sa buong daigdig. Lalabas ka sa iyong yungib para tikman ang simoy, at lasahan ang pagkain, patalim,  o lason sa atas ng kaluguran o kalooban. Magluluwal ka ng mga salita, mga salitang gagapang, lalangoy, lalakad, lilipad upang maghasik ng salot, digma, [...]

Gabi ng Gawad Palanca 2009

Nakalulugod at umaani ngayon ang Gawad Palanca ng mga bagong bunga ng panitikang Filipinas. Ang pagsibol ng mga tinig sa panitikan ay senyales na nagtutuloy at sumisigla ang pagtangkilik sa tula, katha, at dula, at kung gaano man katatag at kahusay ang mga akda ay mababatid sa mga darating na araw. Binabati ko ang mga [...]

Breaking News: Ricardo Nolasco, sinibak sa Komisyon sa Wikang Filipino

Nakahinga nang maluwag ang mga empleado ng Komisyon sa Wikang Filipino nang suspindihin ng Commission on Audit si Ricardo Ma. Duran Nolasco bilang pansamantalang punong komisyoner ng KWF noong 27 Oktubre 2008. Si Nolasco ang kontrobersiyal na puno ng KWF na nagsusulong ng patakarang multilingguwal ng pamahalaan, kahit labag sa Konstitusyon, at tandisang minamaliit ang Filipino bilang [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers