Si Juan Masili at ang Anyo ng Mala-Nobelang Tagalog

Mahabang kuwentong matataguriang mala-nobela ang akdang Juan Masili o ang Pinuno ng Tulisan (1906, Luzonica Libreria) ni Patricio Mariano. Masasabi ito kung ang gagamiting pamantayan ay ang mahabang tradisyon ng pagsulat ng nobela sa Ewropa. Mura pa ang edad ng pagsulat ng nobela sa Tagalog noong bungad ng siglo 20, at ang mga manunulat ay […]

Panahon ng Pasadya

Maramihang produksiyon ang tatak ng kasalukuyang panahon, at ito ay umaayon sa tagapangalakal imbes na konsumidor. Isinasagawa ang maramihang produksiyon upang mahigit ang tubo sa produkto, mapabilis ang paglikha ng mga bagay, lumikha ng kumbensiyon o uso, magtaguyod ng pabrikang may monopolyo ng disenyo at tatak, magtatag ng malawakang kaayusan, at magpalaganap ng isahang panlasa […]

Nanay

Magsisilang ka nang taliwas sa nakagawian, at magigitla ang mga saksi sa pagsirit ng dugo mo’t pag-uha ng sanggol. Nakatadhana marahil ang suwerte sa apat na dingding ng silid, waring nagdiwang ang mga anghel sa kung saang lupalop, at ang pintuan ay nagbubunyag ng pambihirang daloy ng simoy at sinag. Ang suwerte ko, wiwikain mo, […]

Hunyango sa Bato

Paglalakbay, pakikikipagsapalaran, at paghuhunos ng inhinyerong nangangarap maging manunulat ang pinapaksa ng Hunyango sa Bato (2004) ni Abdon M. Balde Jr. Maluwag ang sipat ng pangunahing tauhan, at sa kaniyang pananaw ay mauungkat ang mga kontrobersiyal, at malimit maanomalya, na pagawaing-bayan at multi-milyong proyektong pang-inhinyeriya. Kabilang sa binanggit ang pamosong pagguho ng Ruby Tower sa […]

Prinsipyo ng Karahasan

“Isang prinsipyo ang karahasan,” nawika ni Thomas Mann, “na lubhang ginagawang payak ang mga bagay; hindi nakapagtataka na maintindihan iyon ng masa.” Ang karahasang ito ay makapagbabalatkayo sa multi-milyong boksing na magpapaapaw sa koliseo, magpapainit sa komunikasyong panghimpapawid, at magpapasiklab sa kapuwa paghanga at poot ng mga maykaya’t dukha. Hahatakin ng nakapagpapaindak na musika ang […]

Konsepto ng “Balatkayo” sa “Si Tandang Basio Macunat”

Tumutukoy ang “balátkayô” sa masining na pagkukunwari, at paglilihim sa tunay na anyo at katauhan, upang mapaniwala ang sinumang tao na tumitingin. Tumutukoy din ito sa kasangkapan o kasuotang ginagamit upang ikubli ang tunay na anyo ng isang tao o bagay. Mahihinuhang hango sa dalawang salitang pinagtambal ang “balatkayo” (balát+kayo), ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino. […]

Baboy sa Panitikan

Nauungkat lamang ang baboy sa baul ng panitikan kapag Taon ng Baboy, alinsunod sa astrolohiyang Tsino, o kaya’y may pandemikong salot na simbagsik ng Swine Flu Virus. Kinasisindakan ang nasabing virus dahil kaya nitong mamuhay sa katawan ng baboy at ibon at tumawid sa katawan ng tao; at yamang naglalakbay ang mga tao ay maaasahan […]

Utang na Loob

Isang magandang konsepto ng Filipino ang “utang na loob,” na kabilang sa halagahan ng mga Filipino magpahangga ngayon. Nagaganap ang utang na loob sa oras na kilalanin ng isang tao ang anumang kabutihang loob na ibinigay ng kaniyang kapuwa, at ang pagbibigay ay hindi umaasa ng tahasang sukli o ganti, bagkus sapat na ang makitang […]

Kuwentong Detektib

Mabubuksan ang salaysay sa kamatayan, na waring hinango sa nobela ni Dostoevsky, at ang kamatayan ay maaaring sinadya, ngunit walang makababatid kung sino ang salarin. Nabiyak ang ulo ng bangkay, at ipagpalagay nang nabagok, makaraang tumanggap ng punglo o palakol. Uugong ang usap-usapan, dahil ang kamatayan ay posibleng pagpapatiwakal, at ang pangunahing tauhan ay gagagarin […]

Bintana

Mabubuksan ang daigdig sa paghihiwalay ng magkapilas na antigong tabing. Gibang tahanan marahil ang matatanaw sa labas, at maalat ang bugso ng amihan. Papaloob ang liwanag sa silid, at kapag tinamaan ka ng sinag ay mapapabalikwas ka. May tilaok na kikislot sa iyong mga bituka. Ang bintana ang mga mata ng tahanan, anila, ngunit para […]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 171 other followers