Sa tahimik na gubat, ni Max Jacob

salin ng mga tulang tuluyan ni Max Jacob mula sa koleksiyong Le cornet à dés (1917). salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. 1889-1916 Noong 1889, maihuhubog sa salamin at allid ang mga trinsera. Dalawang libong metro paibaba, dalawang libong Polish na nakakadena ang hindi nakababatid kung ano ang ginagawa nila roon. Sa kanugnog [...]

Estranghero at aso, ni Charles Baudelaire

salin ng dalawang tulang tuluyan ni Charles Baudelaire, mula sa kaniyang koleksiyong Le Spleen de Paris (1869). salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Ang Estranghero “Sabihin mo, mahiwagang lalaki, sino ang pinakamamahal mo, ang iyong ama, ina, o kapatid?” “Wala akong ama, ina, at kapatid.” “E kaibigan?” “Nasa dulo ng dila ko ngunit [...]

Sendad

Tunghayan ang katawan, at kung nagmumurang kamatis ka, maaaring madagdagan ng bilbil ang baywang, mabawasan ng newron ang utak, o kaya’y umaliwalas ang mukha na parang galak na galak sa magdamag na pagniniig. Mararanasan ang pananabik pagkaraan, ang pangangati at ang pagkagumon lalo’t ritwal na inuulit-ulit ang kabaliwan, at kung hindi magtitiis ay magwawakas sa [...]

In extremis

Sumasapit tayo sa hanggahan, at ang ating mga paa ay nakausli sa tungki ng bangin. Sa ganitong sukdol, may puwang pa ba ang kaba at pagbabantulot sa lawak ng tangway at matarik na batuhang dalampasigan? Tinatanaw natin ang malayong daigdig, tulad ng pagsipat ng kongkistador kung hindi man palaboy, kahit ang kamatayan ay nasa ilalim [...]

Bodega

Pabubulaanan mo itong kastilyo ng mga anay, at sasabihin kong dampa ng hitana na pansamantalang nakisukob habang humahalihaw ang bagyo. Sapagkat sinauna ang gamit at moderno ang estetika, hindi mo ipagpapalagay na palawit ito ng tanikala ng mga barumbarong sa tapat ng bintana ng katedral. Maipapaloob dito, ani mo, ang Smokey Mountain at ospital, ang [...]

Pasiya

Nakatimo sa kaniyang ulo ang pinagmulan, at ang paglingon ay katumbas ng lungsod ng asin at pag-ulan ng mga bulalakaw. Siya, na naglandas sa hanggahan ng bawal, ang nakauunawa ng pag-ibig na hinaharang ng mga tabak at tinik na makamandag. Hinahatak siya ng dibinong tinig pakiling sa kaligtasan—para manahan sa bagong bahay at lumang buhay—kahit ang kumukutob sa kaniyang [...]

Sundo

Kung ang wika’y makatatawid ng dagat, makararating marahil ito sa Igbaras upang isalaysay ang mga panahon ng pangungulila. Parang dasal itong uulit-uliting sambitin kay Santa Rita, at sa gitna ng ingay, kulay, at ringal ng pista, ay maninibugho sa punong bayan, isasakdal sa langit ang ngitngit, ngunit dahil kapos sa kapangyarihan ay malulugmok sa gilid [...]

Pasimula, ni Silvio Guissani

Salin ng tulang tuluyan ni Silvio Guissani. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. PASIMULA Tinahak ng mga tren ang nagmamadaling mga tulay na ang hangin ay nilalabanan ang antok sa karimlan, patungo sa tahol ng mga aso na ang pahiwatig ng kisapmatang pangalan ay umiiral. Nakapagkit ang nomena sa mga puwang na waring mga anino [...]

Gabi ng Taglagas ni Viggo Stuckenberg

Salin ng katha ni Viggo Stuckenberg, at batay sa saling Ingles ni Anthony Weir. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. GABI NG TAGLAGAS Nakatirik ang tore sa gilid ng kahuyan, ang luma’t naaagnas na tore na binalot ng lumot at palumpong ang mga silipang butas, na pawang pinalooban ng mga damo ang mga puwang [...]

Dalawampung Minuto

Ano ang maisisilid sa puwang na ito? Matatangkad na gusali marahil, na magkaharap at nagkikislapan ang mga salamin, at sinumang tumingin ay malulusaw sa init. Mainit ang pagitan ng mga pader gayong napakalamig ng akondisyonadong paligid. Nanaisin ng sinumang magkabalikat na tawirin ito, panatilihin sa gunita, at sa piling ng saitan ay hahayaang matunaw ang [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers