Ang Sining ng Anlowagi

Unti-unting nabubura sa gunita ang salitang “anlowagi,” bagaman nananatili sa malalayong lalawigan, at ang humalili ay ang popular ngunit hiram na salita sa Espanyol. Kabilang ang “anlowagi” sa mga sinaunang Tagalog na itinutumbas sa salitang “karpintero,” ayon sa Vocabulario de la lengua Tagala (1860) nina Juan de Noceda at Pedro Sanlucar. Ang salita ay binaybay [...]

Dapithapon

Dapithapon Huminto at lumampas ang mga sasakyan, tumambay at humakbang ang mga anino, ngunit ikaw ay hindi nasilayan sa kanto. Larawan ng wala, ikaw ang mga paglalakbay. Mauunawaan ka ng pulis sa ilalim ng tulay at lulundo ang tulay sa pangako ng mga ilog. Sapagkat ikaw ay mainipin gaya ng panahon, habulin ng tanaw ay [...]

Ikaw

Ikaw ang aking simula at wakas ng pantig Ikaw ang pintig ng simula hanggang wakas Ikaw ang wakas ng pintig ng aking simula Ikaw ang simula ng aking wakas na pintig Dahil ikaw ang pantig ng aking pintig Dahil ikaw ang pintig ng aking pantig Ikaw na wakas at simula ng mga pangalan Ay siyang [...]

Tula at Komentaryong Panlipunan ni Anastasio Salagubang

Sumikat ang talipanpan [pen name] na “Anastasio Salagubang” sa pitak na Buhay Maynila ng diyaryong Taliba noong mga taon 1927-1928 dahil sa pambihirang komentaryo nito sa lipunan. Araw-araw, binubulabog ng nasabing kolumnista ang bayan at pinupuna sa pamamagitan ng masisisteng tula ang baluktot na pamamahala ng awtoridad, itinutuwid ang magagaspang na asal o sinaunang kaugalian [...]

Aral at Landas mula kay Balagtas

Hitik sa parikala ang tema ng pagdiriwang sa Araw ni Balagtas ngayong taon (“Mga Aral ni Balagtas, Gabay sa Tuwid na Landas”). Una, dahil kahit nakatimo sa mga tula o dula ni Francisco Balagtas ang mga aral, ang mga aral na ito ay nagmumula sa kinathang tauhan na posibleng nililitis mismo ng makata upang itanghal [...]

Panukalang Pagdulog sa Pag-unawa ng Tula

Humihirap ang pag-unawa sa tula dahil ang pakahulugan ng “tula” ay hindi na lamang maikakahon sa “tugma, sukat, kariktan, at talinghaga” gaya ng unang winika ni Lope K. Santos, at pinalawig pagkaraan nina Julian Cruz Balmaseda at Iñigo Ed. Regalado. Pumasok ang kaso ng “malayang taludturan” nang tawagin ni Amado V. Hernandez noong 1931 ang [...]

Sulyap sa panulaang Filipino sa panahon ng Internet

Kung noong bungad ng siglo 20 ay naging malaki ang papel ng mga pribadong publikasyon at palimbagan sa paglalathala ng mga tula at katha sa mga pahayagan, magasin, at kauri, malaki naman ang papel ng internet ngayon sa pagpapasigla ng mga tula mula sa hanay ng mga kabataan at tigulang na mahilig bumerso-berso. Pinalaya ng [...]

Ang Kumbensiyon ng Malayang Taludturan

Sumiklab ang pagtatalo sa usapin ng paggamit ng malayang taludturan sa panulaang Tagalog noong dekada 1930 dahil na rin sa mga pangyayaring may kaugnayan sa pagpapanatili ng tradisyon ng nasabing panulaan samantalang rumaragasa ang pagpasok ng impluwensiyang Amerikano at Ingles sa panitikang Filipinas at pinaiiral bilang opisyal na komunikasyon sa transaksiyon ng pamahalaan, edukasyon, at [...]

Konserbatismo at Patriyotismo sa 2010 Talaang Ginto

(Ang sumusunod ay kritika ng Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario sa nakaraang timpalak pampanitikan ng Talaang Ginto, at maaaring makatulong sa mga guro at estudyante na pawang nag-aaral ng tugma at sukat sa katutubong tula, bukod sa pagbubuo ng balangkas at talinghaga. ) KONSERBATISMO AT PATRIYOTISMO SA 2010 TALAANG  GINTO ni Virgilio S. [...]

Gunita

GUNITA Iniipon niya ang nakalipas, at pumapaloob sa supot na kung hindi yari sa manipis na katsa ay plastik o balát na hindi tatagasan ng buhangin o tubig. Hindi niya maisasalaysay ang sarili, dahil kung gayon, mistulang ahas siya na lumulunok sa angking buntot. Mauunawaan lamang niya ang kaakuhan kung ipaliliwanag ng Kasalukuyan at babalangkasin [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers