Bantayan

Kung ito ang pook na laan sa mga destiyero, wiwikain marahil ni Fides, ang mamuhay nang bilanggo ay paraiso. Hindi tatanawing pader ng mga bilibid ang mga alon, bagaman nakayayanig sa unang pagkakataon sa panig ng mga binyagan ang katahimikan ng dayaray at harana ng mga kuliglig. Sa pagitan ng mga bituin at buhangin ay [...]

Kulam

Natuklasan ng huklubang mangkukulam ang bisa ng bulóng, at isang gabi ay sinubok niyang isakay sa simoy ang mga salita. Ang unang pagtatangka ay nagbunga ng alimpuyo ng alikabok, na humalo sa ulop na hatid ng tuyot na buntot ng Nobyembre. Ipagpalagay na bukod na sistema solar ang ipuipo, at ikaw na nakamamasid ay makararamdam [...]

Talinghaga ng Pag-ibig, ni Nizar Qabbani

salin ng tatlong tula ni Nizar Qabbani. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Kapag umibig ako Kapag umibig ako wari ko’y hari ako ng panahon. Taglay ko ang mundo at lahat ng lalang nito at sakay ng kabayo pahagibis sa araw. Kapag umibig ako naghuhunos akong agos ng liwanag na ni hindi matalos [...]

Lorelei, ni Heinrich Heine

salin ng “Lorelei,” ni Heinrich Heine [Christian Johann Heinrich Heine] salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Ganap akong bigong hanapin ang ugat Kung bakit ba ako’y balisa’t malungkot; May isang kuwentong ako’y binagabag at hanggang paghimbing ay nambubulabog. Malamig ang simoy noong agaw-dilim At ang agos sa Rhine ay sadyang tahimik; Ang tuktok [...]

Tahanan ng mga Bituin, ni Toshio Nakae

salin ng tulang tuluyan ni Toshio Nakae. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Tahanan ng mga Bituin Naitatag sa kung saang sulok ng himpapawid ang bahay nang walang tulong ng sinumang klasikong disenyador o abanggardistang arkitekto. Naitindig ang bahay nang walang tunog ng palo ng martilyo ni garalgal ng makinang tagapaghalo ng kongkreto. [...]

Sa tahimik na gubat, ni Max Jacob

salin ng mga tulang tuluyan ni Max Jacob mula sa koleksiyong Le cornet à dés (1917). salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. 1889-1916 Noong 1889, maihuhubog sa salamin at allid ang mga trinsera. Dalawang libong metro paibaba, dalawang libong Polish na nakakadena ang hindi nakababatid kung ano ang ginagawa nila roon. Sa kanugnog [...]

Pakikiapid, ni James Dickey

salin ng tulang “Adultery” ni James Dickey. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Pakikiapid Nanahan lahat tayo sa mga silid na hindi natin iiwan, At kakatwang lugar, at makulimlim. Malimit nakadipa Ang mga Indiyan sa gilid ng mga burol Habang lumiliwayway at lantad sa Dakilang Espiritu O gumagaod sa bangka o ninipat sa [...]

Bahaghari at Tao, ni Yevgeny Yevtushenko

salin ng dalawang tula ni Yevgeny Yevtushenko. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Bahaghari Nang lumitaw ang iyong mukha sa aking kinuyumos na buhay, ang tanging naunawaan ko noon ay ang taglay na karukhaan. Pagdaka’y ang natatanging sinag sa kahuyan, sa mga ilog, sa mga dagat ang naging ugat ko sa kinulayang daigdig [...]

Mga Bakwet, ni Randall Jarrell

salin ng tulang “The Refugees” ni Randall Jarrell. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Walang bakanteng upuan sa gusgusing tren. Nakalupasay ang batang may punit na maskara Sa basura ng wasak na silid. Maringal ba ang kanilang kapanatagan? May mukha at búhay silang gaya mo. Ano ang taglay nila para pumayag magkasiya sa [...]

In extremis

Sumasapit tayo sa hanggahan, at ang ating mga paa ay nakausli sa tungki ng bangin. Sa ganitong sukdol, may puwang pa ba ang kaba at pagbabantulot sa lawak ng tangway at matarik na batuhang dalampasigan? Tinatanaw natin ang malayong daigdig, tulad ng pagsipat ng kongkistador kung hindi man palaboy, kahit ang kamatayan ay nasa ilalim [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers