Balanghagan

Sumusulong ang Siyudad de Zamboanga, dumarami ang wika sa pangangalakal, at hindi ito maikakaila ng pagdagsa ng mga turista sa paliparan o pantalan kahit hindi pista. Maliit ngunit siksik, ang heograpiya sa wari mo’y laberinto ng mga habing Yakan kung hindi man lalang-banig ng Sama o Badyaw. Makikitid ang lansangan at magagara ang plasa, ang [...]

Maraming Mansiyon ang Tahanan ng aking Ama, ni Michael Hofmann

Maraming Mansiyon ang Tahanan ng aking Ama Sino ang makapagsasabing nakatakda tayo sa isa’t isa, ang aking ama at ako, naglalakad sa labas, magkadaop ang mga palad sa likod gaya ng iminungkahi ni Goethe? Napatungó tayo sa mabibigat na sulyap—ang hinaharap, ang kalang sa bangketa na naroon ang sapatos natin. . . Sa panig mo, [...]

Ang Sining ng Anlowagi

Unti-unting nabubura sa gunita ang salitang “anlowagi,” bagaman nananatili sa malalayong lalawigan, at ang humalili ay ang popular ngunit hiram na salita sa Espanyol. Kabilang ang “anlowagi” sa mga sinaunang Tagalog na itinutumbas sa salitang “karpintero,” ayon sa Vocabulario de la lengua Tagala (1860) nina Juan de Noceda at Pedro Sanlucar. Ang salita ay binaybay [...]

Destiyero at Digmaan, ni Hassan Najmi

salin ng mga tula ni Hassan Najmi mula sa Morocco. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Ang Destiyero para kay Abbas Mga palad nila’y pawang ataul At ang mga ulo’y salakot ng malalayong ulap. At sa kanilang likod ay naroon ang panahon Na walang mga paso ng bulaklak O mga sandata na pawang [...]

2K Mall

Salamangka ng dila, pasukin ang laberinto ng pahiwatig na ang kanan ay kaliwa, at ang kaliwa ay mananatiling kaliwa. Ilabas ang mga salita mula sa bulsa, pagtagni-tagniin, ilatag sa sahig, at hayaang ang tanikala ng mga pakahulugan ay kusang magpundar ng mga batas at pamantayan. Masdan ang bahaghari ng mga damit, ulam, at laruan. Maglaro [...]

Mulang Tagasalin tungong Makata

Mulang Tagasalin tungong Makata Para kay Pablo Neruda, 1904–1973 Tanging mga salita ang naiwan ngayon. Humimlay . . . . . . . . . . .  . . ang mga ito gaya ng mga libingan, o batong Andes na wakas ng lungtiang palumpong. Wala akong lakas ng loob na bakbakin ang mahabang listahan ng [...]

Dapithapon

Dapithapon Huminto at lumampas ang mga sasakyan, tumambay at humakbang ang mga anino, ngunit ikaw ay hindi nasilayan sa kanto. Larawan ng wala, ikaw ang mga paglalakbay. Mauunawaan ka ng pulis sa ilalim ng tulay at lulundo ang tulay sa pangako ng mga ilog. Sapagkat ikaw ay mainipin gaya ng panahon, habulin ng tanaw ay [...]

Ang Tula

Nakaligtaan, at sabihin nang naiwaglit ko ang tula, at para itong maleta na natabunan ng libo-libong maleta, bag, at kargada sa kung saang lupalop. Hindi ko maipagpatuloy ang biyahe, sapagkat ang isang maleta ay makapagtataglay ng epiko ng pakikipagsapalaran o kaya’y walang katumbas na yaman, at binabagabag ako ng panghihinayang sa naglahong minamahal. Hinahanap ko [...]

Tatlong tula ni Fazil Husnu Daglarca

salin ng tatlong tula ng Turkong makata na si Fazil Husnu Daglarca. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Higit na matalino sa atin ang tubig Higit na matalino sa atin ang tubig; maaga nitong natatanaw ang gabi. Mula sa langit tungo sa dilim ito’y nagbabalik At kisapmatang naglalaho gaya ng dambuhalang isda Habang [...]

Ikaw

Ikaw ang aking simula at wakas ng pantig Ikaw ang pintig ng simula hanggang wakas Ikaw ang wakas ng pintig ng aking simula Ikaw ang simula ng aking wakas na pintig Dahil ikaw ang pantig ng aking pintig Dahil ikaw ang pintig ng aking pantig Ikaw na wakas at simula ng mga pangalan Ay siyang [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers