Dominyo ng Jejemon

Sirkulo ng mga Jejemon ang pinag-iinitan ngayon ng mga awtoridad, at kabilang na rito ang Kagawaran ng Edukasyon. Portmanteau, o pinagsanib na mga salita ang “jejemon.” Mauugat ito sa “jeje-” (na katumbas ng mahinang pagtawa at binibigkas sa Espanyol na “hehe,” gaya ng Espanyol na “jefe” na “hepe” sa Filipino) at “-mon” na mula sa [...]

Ina ng Laging Saklolo

Makapangyarihan ang imahen ng ina sa lipunang Filipino, at ang ina ay sumasagisag hindi lamang bilang “ilaw ng tahanan” bagkus tagapagtanggol ng anak laban sa anumang batik na maipupukol ng kalaban. Sa mga telenobela, ang ina ang kunsintidor sa masamang asal ng anak, kung hindi man ay kakutsaba sa maiitim na balak ng anak na [...]

Plahiyo at Mukha

May leksiyong mahuhugot sa nakaraang alingasngas na kinasangkutan ng bilyonaryong si Manuel V. Pangilinan, na may kaugnayan sa plahiyo. At ito ang pagiging matapat sa sinasabi, at ang pagsipi nang maayos sa diwain ng iba, at ang pagtataglay ng mukha na inihaharap sa madla. Ang kakatwa, may bahagi ng talumpati si MVP hinggil sa kaniyang [...]

Hula at Halalan

“Pitho” ang sinaunang taguri sa sinumang matandang tao na nakakikita sa hinaharap, at gaya ni Teiresias ay magiging gabay ni Oedipus para harapin ang kapalaran. Isang katangian ng pitho ang kakayahang buksan ang isip at loob para makita ang posibilidad ng mga pangyayari, at mabigyan ng babala ang sinuman sa anumang sasapit na panganib o [...]

C-5 at Tiyaga

Habang umiinit ang kampanya, umiinit din ang ulo ng mga senador, at may kinalaman dito ang imbestigasyon hinggil sa proyektong C-5 na kinasasangkutan ng butihing Sen. Manny Villar. Sa unang malas ay mabigat na usapin ng korupsiyon ang isyu. Inilihis umano ang pagawaing bayan sa mga subdibisyong pag-aari ni Villar, at ito ang pinagkakitaan ng [...]

Kampanya at Halalan

Sa larangan ng politika, ang lahat ay mabubuksan at magagamit bilang kasangkapan upang makamit ang anumang lunggati ng politiko. Natural ang bakbakan sa politika, at kahit ang pagpatay sa mga tagasuporta ng isang politiko ay maaasahan kung umiiral sa isang pook ang kultura ng sandatahang dahas. Hindi inaasahan sa politika ang pagiging santo o martir [...]

Salita ng Taon 2009

“Bayani” ang isa sa mahahalagang Salita ng Taon 2009, at ito ay kinakatawan ng gaya ni Efren Peñaflorida na kinilala ng CNN. Si Peñaflorida ang nagpakilala ng edukasyon sa pamamagitan ng kariton, at sa pagsugpo sa kultura ng tambay at maton na malaganap umano sa kaniyang lugar. Kahanga-hanga ang pagwawagi ni Peñaflorida, samantalang ibinubunyag ang [...]

Mga Plataporma de Gobyerno

Tumatanyag ang salitang “plataporma de gobyerno” tuwing sumasapit ang panahon ng halalan. Ngunit ang kakatwa, walang seryosong talakayan ang umuurirat hinggil dito, at ang halalan ay nauuwi sa pasiklabang personal ng mga kandidato. May panimulang forum ang inilunsad kamakailan na ang bawat kandidato sa pagkapangulo ay tinatanong ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan, at [...]

Iyang Pagpapangalan

Salita ang bumubuo ng publikong imahen ng tao, at ang masining kung hindi man tusong paggamit nito ay makalilikha ng pambihirang konseptong sasaklaw sa guniguni ng madla. Ang mga taguring “King of Rock & Roll,” “King of Pop,” at “Asia’s Songbird” ay maaaring sumaklaw hindi lamang sa angking husay ng tao sa piniling larang na [...]

Bighani ng Infomercial

“Infomercial” ang isa sa mga bulaklak ng dila na katumbas ng “propaganda” bagaman malayang pabulaanan ito ng mga kandidatong politiko sa darating na halalan 2010. Mula sa pinagsanib na mga salitang “information” at “commercial,” ang bagong imbentong salita’y nagkaroon ng pambihirang bisa sa bokabularyo ng taumbayan dahil ito ang ginagamit na palusot ng mga politiko [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers