Resureksiyon at Larawan ng Bayan, ayon kay Aurelio Tolentino

Binasa kong muli ang Kahapon, Ngayon, at Bukas (Larawan ng Bayan) na mahabang tulang pasalaysay ni Aurelio Tolentino noong nakaraang linggo. Nalathala ang munting aklat noong Setyembre 1913, at mula sa Limbagang Tolentino na may tanggapang nasa San Nicolas, Maynila. Ang totoo’y nakasaad sa dahong pambungad na “novelang Tagalog” ang akda, ngunit nakasaad naman sa [...]

Dalumat ng Ibon: Panimulang Tala hinggil sa Hulagway at Anino ng Ibon sa Panulaang Filipino

Nakatimo nang mariin sa panitikang-bayan ng Filipinas ang hulagway at anino ng ibon noong una pa man. Ayon sa mga alamat, nalikha umano ang kapuluan natin dahil sa isang ibong nagngangalang Manaul, na pinag-away at pagkaraan ay pinagbati muli ang langit at tubigan upang mailatag ang kalupaan. Ibon ang sanhi kung bakit iniluwal ng buhô [...]

Namazé-ayat

Hindi niya kailanman pinaniwalaan si Bakunawa. Kay Allah lamang siya nananalig, gaya ngayong sumapit ang di-maipaliwanag na lahò. Tila pelikula ang tagpo, at ramdam niyang isa siya sa mga gumaganap ng papel. Nagtilaukan ang mga manok. Umalulong ang mga aso. Nagkulumpon sa gitna ng bukid ang mga baka at kambing. Humarap siya tungo sa inaakalang [...]

Ideolohiya ng Katipunan sa “Bangkay na nang Abutan” ni Florentino T. Collantes

  Isa sa mga makatang Tagalog si Florentino T. Collantes (1896-1951) na nakaligtaang pag-ukulan ng karampatang pag-aaral at panunuri nang mahabang panahon sa larangan ng panitikang Filipino. Makitid ang pagkilala sa naturang makata. Hinangaan ang taginting ng kaniyang tinig sa mga balagtasan at koronasyon; pinuri subalit hindi sinuri ng masa ang kaniyang mga tula, gaya [...]

Posibilidad

Kung ang hangin ay maghuhunos na bato, paano uunawain ang magiging paglipad ko?   Maaaring ang bato’y kusang makalulutang, at maipupukol ang sarili kung saan-saan.   Makalulundag ang bato pabulusok sa lawa, at hindi na pambihira ang tsunami o baha.   Makakabangga ng bato ang iba pang bato, at sa pagsasanib nito’y mahihiya ang bagyo. [...]

Pagpapahalaga sa mga tula at poetika ni Rio Alma

Masisilip, sa aking palagay, ang malaking bahagi ng kasaysayan ng panulaang Filipinas sa láwas ng mga tula ni Rio Alma. Ang nasabing kasaysayan ay hindi estatikong hulagway, bagkus rolyo-rolyo ng pelikulang patuloy na umaandar at tayo ang kalahok; at hangga ngayon, naghahanap ito ng pangwakas na hantungan o karugtong na lunsaran. Ang mabigat, hindi pa [...]

Edit, Editing, Editor (Unang Bahagi)

(Noong 28 Nobyembre 2007, naanyayahan akong magbigay ng panayam sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman hinggil sa editing. Hindi ko matanggihan si Dr. Galileo Zafra, na iginagalang kong kritiko at istoryador ng panitikan. Heto ang panimulang bahagi ng aking papel. Saka ko na lamang isusunod ang iba pa, dahil mahaba ang artikulo.) Kathang-isip man o hindi, [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers