Panukalang Pambansang Adyenda sa Kultura

Napag-uusapan lamang ang pambansang adyenda hinggil sa kultura kapag dumarating ang halalan. Ngunit ni isang partidong pampolitika ay walang handang sagot sa pagharap sa pagpapalago ng kultura. Noong Abril 2, Biyernes Santo, dumalo ako sa pagtitipon ng mga manunulat at alagad ng sining na pawang naglinis ng plasa ni Balagtas sa Pandacan, Maynila bukod sa [...]

Kritikastrong Tanaw ni Tomas F. Agulto sa Panulaang Filipino

Nagiging makulay ang pagpapahalaga sa pagtula ng isang makata alinsunod sa pagbasa na ipinapataw dito ng mga kritiko o kritikastro. Ang kritiko ay maaaring kumasangkapan sa mga pagdulog at teorya ng pagbasa, at sa gayong paraan, ay nagiging tulay siya ng teksto tungo sa mambabasa. Sa pamamagitan ng paggamit ng lente ng pagbasa, ang tula [...]

Tula, Wika, at Nasyonalismo

Wika ang isa sa mga paksang pinagbuhusan ng pansin ng mga makatang Tagalog noong bungad ng siglo 20. Ito ay dahil tanging Ingles at Espanyol lamang ang mga opisyal na wika sa Filipinas, na isang paraan ng pagsasabing “mga wikang pambansa,” na pawang ginagamit upang paikutin ang pamahalaan, edukasyon, negosyo, hukuman, militar, simbahan, at iba [...]

Panitikan, Kalayaan, at Bakbakan ng mga Manunulat

Isang mahalagang dokumento na itinatago ni Perfecto T. Martin na may kaugnayan sa paksang “Panitikan at Kalayaan” ang kaniyang inilabas sa baul bilang paggunita sa panahon ng Batas Militar ngayong taon. Nakatakda sanang ilathala ito sa isang isyu ng Ugat—ang opisyal na publikasyon ng Galian sa Arte at Tula (GAT)—noong dekada 1980 ngunit sinamang-palad na hindi [...]

Balagtasan para sa Madla

Mababago ang topograpiya ng pag-aaral sa balagtasan nang ilathala ng Ateneo de Manila University Press ang Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya (1999) ni Galileo S. Zafra. Pambihira ang aklat ni Zafra dahil sa angkin nitong mapaghawang saliksik, sariwang pagbasa ng datos, at matalim na pag-urirat sa estetika at ugat ng balagtasan. Bagaman ang mga halimbawang balagtasan sa naturang aklat [...]

Si Ferdinand E. Marcos at ang Panitikang Filipinas

Mananatili ang bangungot sa Filipinas hangga’t hindi naisusulat nang ganap ang panahon ng diktadura ni Pang. Ferdinand E. Marcos. Si Marcos ang ultimong politiko na bihasa sa paghawak ng kapangyarihan, ang kapangyarihang tatagos sa negosyo, militar, simbahan, edukasyon, mass media, barangay, sining, isports, turismo, ugnayang panlabas, timpalak pangkagandahan, imperyalismong US, rebolusyon, at ang pinakasukdulan ay [...]

Preso sa katha nina Benjamin P. Pascual at Benigno R. Juan

Maselang paksa ang buhay ng preso, kaya ginagamit itong materyal sa paglikha ng kuwento, tula, dula, pelikula, sayaw, awit, eskultura, pintura, at iba pang anyo ng sining. Maihahalimbawa ang mga akdang pampanitikan nina Benigno Ramos, Iñigo Ed. Regalado, Amado V. Hernandez, at Teo S. Buhain hanggang kina Wilfrido Pa. Virtusio, Benjamin P. Pascual, Benigno R. [...]

Panawagan sa mga manunulat mula sa UMPIL

Naging tradisyon na ng UMPIL (Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas) ang pagdaraos ng taunang kongreso ng mga manunulat. Tuwing huling Sabado ng Agosto, magkikita-kita ang mga manunulat anuman ang kanilang kulay, paniniwala, at simulain upang talakayin ang mahahalagang usaping may kaugnayan sa panitikan at pagsusulat sa kabuuan. Napakahalaga na dumalo sa kongreso ng UMPIL. [...]

Prosang itim at tulang tuluyan sa Filipino

Mauugat sa aking palagay ang tulang tuluyan sa Filipinas sa pagsilang ng “daglî” noong huling mga taon ng siglo 19 at unang dekada ng siglo 20. Tumutukoy noon ang “dagli” sa mga prosang alanganing kuwento at alanganing sanaysay, na binubuo ng ilang talata, at nagtataglay ng larawan o salaysay na nababalutan ng pananalinghaga. Malalathala ang [...]

Halugaygáy sa Panahon ng Globalisasyon

I. Sa unang malas ay alanganin sa panahon ang iniíwang bakás ng pananalinghaga ni Raúl Funilas. Mabilis siyang mababansagan, kung hindi man mapaparatangan, na alagad ni Francisco Balagtas sa sukdulang pakahulugan, sakali’t pagtuonan ang lalim o lawak ng kaniyang  bokabularyong hango sa Tagalog-Binangonan, at wala ni sa hinagap ng mga akdemiko’t kritikong nahirati sa wika [...]