Talaang Tanso at Makata ng Taon

Maringal ang pagpaparangal ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa mga nagwagi ng Talaang Ginto sa Tula ngayong taon, na ginanap kahapon (13 Abril 2010), ngunit ang makulay na pagdiriwang sa Pambansang Komisyon para sa Kultura at Mga Sining (NCCA) ay hindi naikubli ang kasalatan sa kasiningan ng tula ng Makata ng Taon na si [...]

Panukalang Pambansang Adyenda sa Kultura

Napag-uusapan lamang ang pambansang adyenda hinggil sa kultura kapag dumarating ang halalan. Ngunit ni isang partidong pampolitika ay walang handang sagot sa pagharap sa pagpapalago ng kultura. Noong Abril 2, Biyernes Santo, dumalo ako sa pagtitipon ng mga manunulat at alagad ng sining na pawang naglinis ng plasa ni Balagtas sa Pandacan, Maynila bukod sa [...]

Salita ng Taon 2009

“Bayani” ang isa sa mahahalagang Salita ng Taon 2009, at ito ay kinakatawan ng gaya ni Efren Peñaflorida na kinilala ng CNN. Si Peñaflorida ang nagpakilala ng edukasyon sa pamamagitan ng kariton, at sa pagsugpo sa kultura ng tambay at maton na malaganap umano sa kaniyang lugar. Kahanga-hanga ang pagwawagi ni Peñaflorida, samantalang ibinubunyag ang [...]

Kritikastrong Tanaw ni Tomas F. Agulto sa Panulaang Filipino

Nagiging makulay ang pagpapahalaga sa pagtula ng isang makata alinsunod sa pagbasa na ipinapataw dito ng mga kritiko o kritikastro. Ang kritiko ay maaaring kumasangkapan sa mga pagdulog at teorya ng pagbasa, at sa gayong paraan, ay nagiging tulay siya ng teksto tungo sa mambabasa. Sa pamamagitan ng paggamit ng lente ng pagbasa, ang tula [...]

Ang Tula bilang Salamin ng Panlipunang Sikolohiya

Malaking puwang ng pagsisiyasat ang mabubuksan kung ituturing ang tula bilang panlipunang sikolohiya. Maipapalagay na ang tula, gaya ng sikolohiya, ay bumubuo sa pag-aaral ng estado ng isip, damdamin, at katawan ng mga tao. Kung ganito nga, at kung hihiramin ang dila ni Carl Jung, ang tula ay maaaring maipailalim na paksa sa sikolohiya; at [...]

Reaksiyonaryong Tula ni Tomas F. Agulto

Bahagi ng mahabang kasaysayan ng panitikang Filipinas ang paggamit sa tula bilang propaganda—kung hindi man programa—upang isulong ang ideolohiya ng isang kilusan o politika ng isang tao. Ang tula ay maaaring sipatin na bahagi lamang ng simulaing pampolitika, at yamang higit na makiling sa politika, ay hindi maaasahan dito ang mataas na uri ng estetika [...]

Mga Plataporma de Gobyerno

Tumatanyag ang salitang “plataporma de gobyerno” tuwing sumasapit ang panahon ng halalan. Ngunit ang kakatwa, walang seryosong talakayan ang umuurirat hinggil dito, at ang halalan ay nauuwi sa pasiklabang personal ng mga kandidato. May panimulang forum ang inilunsad kamakailan na ang bawat kandidato sa pagkapangulo ay tinatanong ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan, at [...]

Iyang Pagpapangalan

Salita ang bumubuo ng publikong imahen ng tao, at ang masining kung hindi man tusong paggamit nito ay makalilikha ng pambihirang konseptong sasaklaw sa guniguni ng madla. Ang mga taguring “King of Rock & Roll,” “King of Pop,” at “Asia’s Songbird” ay maaaring sumaklaw hindi lamang sa angking husay ng tao sa piniling larang na [...]

Editoryal at ang Hamon sa Filipino

Kumikitid ang puwang ng paggamit ng Filipino sa mga pahayagan, at ang mga pahayagang ito—na tinaguriang tabloyd—ang ilan sa mga natitirang moog ng wikang Filipino. Ang malalaking pahayagang ginagastusan nang malaki, gaya ng Business World, Daily Tribune, Manila Bulletin, Manila Standard Today, Philippine Daily Inquirer, at Philippine Star, ay pawang nasusulat sa Ingles. Kabilang sa [...]

Pangaral ng Kalikasan

Mayaman sa kawikaan ang mga Filipino, ayon sa saliksik ni Damiana L. Eugenio, kapag pinag-usapan ang bagyo, baha, hangin, unos, ulan, at tubig. Maaaring nakatulong dito ang pangyayaring ang Filipinas ay may tropikong klima, at nakapuwesto sa lugar na malimit dalawin ng unos o bagyo, samantalang nagtataglay ng malawak, sari-saring tubigan. Mahihinuhang hinugot sa karanasan [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 79 other followers