Alimbúkad ang pitak ng blogistang si Roberto T. Añonuevo, na isa ring matinik na makata, kritiko, editor, at tagasalin. Isa siya sa mga pundador ng Oragon Poets Circle, ang samahan ng mga pili’t premyadong makata ng Filipinas. Kabilang sa mga tinamo niyang parangal ang Hall of Fame sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, SEAWrite Award, Komisyon sa Wikang Filipino, Grand Prize Sawikaan, National Book Award mula sa Manila Critics Circle, at maraming iba pa.
Ayon sa diksiyonaryo-tesawro ni Jose Villa Panganiban, ang alimbúkad, na hango sa sinaunang Tagalog, Bikol, at Bisaya, ay tumutukoy sa marahang pagbuka ng mga talulot ng bulaklak, o kaya’y sa unti-unting paglaganap ng liwanag o sinag. Tinatangka ng pitak na ito na isatitik ang gayong mga katangian, at ibahagi ang nasabing kaisipan nang may mataas na paggalang sa sinumang mambabasa.
Binuo ang Alimbúkad sa layong itaguyod, paunlarin, at palaganapin ang panitikang Filipino at wikang Filipino para sa mga Filipino saanmang pook sila naroroon. Tumatanggap ng mungkahi at puna ang awtor upang higit na mapahusay ang nilalaman at anyo ng kaniyang mga akda.
Protektado ang karapatang-ari © sa lahat ng akdang nakapaloob sa pitak na ito. Mahigpit na tinututulan ng awtor ang malaganap na plahiyo o pangongopya sa kaniyang mga sanaysay, tula, at iba pang kaugnay na akda nang walang pahintulot at upang pagkakitaan ng kung sino-sinong tao o pangkat.
Mangyaring sumulat sa alimbukad at yahoo dot com kung may nais kayong ipabatid sa kaniya, o kaya’y gamitin ang kahon ng Meebo sa gilid na kolum kung nais makipag-usap sa kaniya nang personal.


Aba kong ginoo! Sa isang iglap, ako’y naging isang tagahanga. Salamat sa pagtataas ng kalidad ng mga panulat sa wordpress. Pagpalain ka ni Bathala.
Magandang gabi po! Maraming salamat po ulit sa paalala.
-Vanessa Miranda (http://eliasrio.blogspot.com)
ipagpatuloy mo nawa ang pagpapayaman at paglilinang ng ating wika. kapulutan nawa ng mga anunsiyante sa himpapawid na pawang natatangay na ng wikang kolehiyala na unti-unting kumikitil sa wika nating kinagisnan. Umaalimbukad sa iyong panulat ang isang bagong usbong ng sining at titik Pinoy.
isang inspirasyon upang mas lalo pang pagyamanin ang ating sariling wika
- tenco of alasais
Salamat po sa komentaryo ninyo sa aking tula. Isa po akong baguhan na nabigyan ng inspirasyon na magpatuloy sa pagsusulat sa wikang Filipino. mabuhay po kayo…
Mabuhay ka rin, kaibigan. Nagulat ako sa iyong blog, at napakasipag mong magsulat. Ipagpatuloy mo ang iyong simulain.
nagulat po?
salamat pong muli.
Bobby, Nawa’y laging sumaiyo at syong pamilya ang kapayapaan at pagpapala ng Panginoon. Maligayang Araw ng Pagkabuhay!
Salamat, at sumaiyo nawa ang resureksiyon ng dakilang panulat.
Sir Bobby
bethina po ligaw na pusa ni sir mike po
ayan po bilang pangako binisita ko po kayo
Saludo ako sa iyo
isang PURONG PILIPINO!
Mukhang may mga mambabasa na hindi tatapusin ang pagbasa sa pitak na ito.Maaaring ito ay dahil sa ani nila “malalim” na mga salita. Nalulunod daw sila.
Siyempre, makakatulong ang diksyunaryo. Lalong maunawaan ang inyong mga katha at huhusay sa wikang Filipino kung mayroong diksyunaryo. Ano po ang inyong imumungkahing diksyunaryo?
Inirerekomenda ko ang ikalawang edisyon ng UP Diksiyonaryong Filipino na lalabas ngayong Agosto o Setyembre, at inedit ni Virgilio S. Almario. At kahit ang Tesauro-Diksyunaryo (1972) ni Jose Villa Panganiban.
Ang galing! Nabuklat ko po sa isang tindahan ang unang edisyon, at nadama kong lalong makikilala ko ang wikang Filipino kung bibilhin ito, bagkus talagang makapal. Ngunit hihintayin ko muna ang ikalawang edisyon.
Kasulukuyan ko pong binabasa ang F_l_p_no ng mga F_l_p_no ni Virgilio Almario, at hindi ako nasiyahan sa nakalagay sa likod ng libro na “nakatakdang lumabas ang ikalawang edisyon sa taong ito.” Mukhang walang maibibigay ang google na impormasyon tungkol sa labas ng bagong edisyon. Salamat po sa impormasyon. At sana ngayong Agosto na siya lumabas!
magandang umaga po. maari ko po bang banggitin ang inyong sanaysay tungkol sa kathang-agham sa pilipinas sa aking tesis? nakatulong po sa akin ang sanaysay, lalo na dahil nahirapan po akong maghanap ng mga libro at kritisismo tungkol sa kathang agham. salamat po!
Pumapayag ako, Erika, huwag mo lamang kaligtaan ang tamang pagsipi sa aking akda.
Sir,
Inadd ko nga pala po ang Alimbukad sa aking blogroll.
Salamat po’t laging updated ang Alimbukad.
ruth mostrales
Salamat din, Ruth, at dinalaw ko ang iyong blog na naibigan ko naman.
sir,
dalawang beses nga pala akong nailagay sa inyong blogroll – (Blog Sari-sari at Blogista Network).
si ruth at si picket po ay iisa, hehe.
salamat pong muli.
ruth/picketluna
Lubos akong nagagalak at nagpapasamat sa iyo at isinama mo ako sa iyong Blog Sari-sari.
Mabuhay ka!, at ganoon din sa ating mga kababayan.
Sir, nais ko pong makakuha saiyo ng mga komentaryo tungkol po sa aking mga sinulat sa wikang Filipino. Narito po an iilang kong blog sites na maaari po ninyong mabisita:
http://bicolanoessaysandpoetry.blogspot.com/
http://mgatulangbuhayatbp.blogspot.com/
http://mgakuwentongpagibig.blogspot.com/
Salamat po.
Hindi ako basta-basta nagbibigay ng komentaryo sa mga tula at katha ng kung sino-sinong manunulat, Gil. Kung may maiibigan ako sa iyong mga akda’y maaasahan mo ang matapat at mabigat kong pagtatasa. Salamat sa pagdalaw sa Alimbukad.
Nais ko sanang tanungin: Tagalista ho ba kayó, Ginoóng Almario?
Hindi ko alam kung sinasadya mong mang-asar o manlibak o sadyang wala ka lang tiyagang magbasa. Hindi ako ang Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario, at ang uri ng aking pagsusulat ay lumalampas sa usapin ng wikang Tagalog.
Sir, bakit kayo naaasar kung napagkamalan kayo o tinawag na Sir Almario? Iba ba ang uri ng wikang Tagalog ni Sir Rio alma at ang paglagpas ninyo sa wikang Tagalog? ano po ang ibig ninyong sabihin, sa Filipino ba ang inyong sinusulat at limitado ang Tagalog?
Ang ganda nang nyong talumpati
Salamat sa iyong mga isinusulat nakakapagbukas talaga ng isipan at nakakapagpakonsensya sa aking hindi pagbibigay ng higit na pansin sa king lenggwahe na kinalakhan.
Pipilitin kong mabasa lahat ng iyong mga isinulat para rin sa pagpapalawak at pagpapayaman pa ng mga salitang tagalog na sa akin ay parang pangdayuhan.
Salamat muli, mabuhay po kayo.
lubos ko pong naibigan ang inyong tulang eleksiyon mambo sa aklat ninyong liyab sa alaala
Sir Bobby, magandang araw po…
Hingi lang po sana ako ng mga paliwanag hinggil sa pagkaka iba at saan gagamitin ang mga salitang
1. ng at nang
2. daw at raw
3.roon at doon
4. at iba pang mga katulad nito.
Salamat po
Rey