Ang Musika, ni Chard deNiord

salin ng tulang tuluyan sa Ingles ni Chard deNiord. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Ang Musika Kung mga nota sa ilog ang isda, hindi kailanman magkakapareho ang awit, kahit manatili ang tubigan. Mali si Heraklitus. Ang agos ang galaw ang lahat. Hipuin ang mananayaw habang umiikot at mananatili siyang mananayaw. Kaya ba [...]

Zero at Liham ni Tomas Tranströmer

salin ng dalawang tulang tuluyan ni Tomas Tranströmer. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Lampas Zero Tayo’y nasa pista na tinanggihan tayo. Sa wakas, hinubad ng pista ang balatkayo nito at inilantad ang totoo: isang himpilan ng tren, dambuhalang malamig na estatwa na nakaupo sa ulop. May tsok na kahig-manok sa mga pinto [...]

Misericordia

Aklatan ito ng mga pakikipagsapalaran, at ikaw bilang panauhin, ay malayang maglakbay nang may buntot, bagwis, at sungay. Ipagpalagay na isa itong eskinita, at sa tula ni Teo Antonio ay maghuhunos kang estudyante na kung hindi nagmamarakulyo sa mundo ay umiibig sa kalapati na dumarapo sa sahig ng hatinggabi. Lumakad ka, at madaraanan ang huntahan [...]

Sa Gabi, ni Franz Kafka

salin ng tulang tuluyan ni Franz Kafka. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. . . . . . . Ganap na naglaho sa magdamag. . . . . . . Tulad ng tao na napatungo para magbulay, kaya ganap na nawala sa gabi. . . . . . . Tulog na ang mga tao sa [...]

Tahanan ng mga Bituin, ni Toshio Nakae

salin ng tulang tuluyan ni Toshio Nakae. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Tahanan ng mga Bituin Naitatag sa kung saang sulok ng himpapawid ang bahay nang walang tulong ng sinumang klasikong disenyador o abanggardistang arkitekto. Naitindig ang bahay nang walang tunog ng palo ng martilyo ni garalgal ng makinang tagapaghalo ng kongkreto. [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 73 other followers