Sa tahimik na gubat, ni Max Jacob

salin ng mga tulang tuluyan ni Max Jacob mula sa koleksiyong Le cornet à dés (1917). salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. 1889-1916 Noong 1889, maihuhubog sa salamin at allid ang mga trinsera. Dalawang libong metro paibaba, dalawang libong Polish na nakakadena ang hindi nakababatid kung ano ang ginagawa nila roon. Sa kanugnog [...]

ABAKADA at Sining

Lumalawak ang pagtanaw sa sining, kahit malimit nagiging esklusibo ito sa malalamig na silid. Gaya ng matutunghayan ngayon, ang mga obra maestra ay lumalapit sa publiko imbes na kabaligtaran ang maganap. Humahabol ang sining sa mga tao, na parang ang sining ay bukod na diskursong abanse sa diskursong dating batid ng publiko. Ang naturang sining, [...]

Pakikiapid, ni James Dickey

salin ng tulang “Adultery” ni James Dickey. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Pakikiapid Nanahan lahat tayo sa mga silid na hindi natin iiwan, At kakatwang lugar, at makulimlim. Malimit nakadipa Ang mga Indiyan sa gilid ng mga burol Habang lumiliwayway at lantad sa Dakilang Espiritu O gumagaod sa bangka o ninipat sa [...]

Filipino sa Dominyo ng Kapangyarihan

Kapag nagtalumpati sa Filipino ang Pang. Benigno S. Aquino III, ipinapalagay na nagsisikap siyang kausapin ang sambayanang Filipino sa wika at diskursong mauunawaan ng lahat. Hindi madali ang pagbabalangkas ng talumpati; at maiisip na kinakailangang hulihin niya ang guniguni ng mga karaniwang mamamayan, at tumbasan ng mga salita ang kanilang iniisip at niloloob sa pinakapayak [...]

Estranghero at aso, ni Charles Baudelaire

salin ng dalawang tulang tuluyan ni Charles Baudelaire, mula sa kaniyang koleksiyong Le Spleen de Paris (1869). salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Ang Estranghero “Sabihin mo, mahiwagang lalaki, sino ang pinakamamahal mo, ang iyong ama, ina, o kapatid?” “Wala akong ama, ina, at kapatid.” “E kaibigan?” “Nasa dulo ng dila ko ngunit [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 73 other followers