Taya ng Panahon, ni Luis Vicente de Aguinaga

Salin ng “Pronóstico del tiempo” ni Luis Vicente de Aguinaga. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Taya ng Panahon Talos ko ang lihim ng mga bagay. Hindi ako nabuksan ng mga susi ng kamatayan O nakipag-usap sa mga anghel o estatwa, Ngunit nauunawaan ko ang mga sanaw At ang repleksiyon ng mukha sa [...]

Sa Bintana, ni Carl Sandburg

Salin ng tulang “At a Window” ni Carl Sandburg. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Sa Bintana Itulot sa akin ang gutom, O mga bathala na nakaupo at nag-uutos Sa daigdig. Itulot sa akin ang gutom, kirot, kasalatán, Ibilibid ako sa kahihiyan at kabiguan; Mula sa inyong mga ginto’t tanyag na pinto’y Ibigay [...]

Hubad at Sulat ni Judith Taylor

salin ng mga tula sa Ingles ni Judith Taylor. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Hubad Tinuyot ng mga pagkawala, kami’y naglakbay para maabot ang tubig, . . .. . . . ang baybayin niya, ang aking baybayin. Ang kuwintas ng kaniyang hininga, ang sinturon ng mga pawis: ang mga paglikom . . [...]

Langit at Lihim ni Carlos Drummond de Andrade

salin ng dalawang tula ni Carlos Drummond de Andrade. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Pighati sa Langit May oras ng pighati sa langit. Matinding oras na sakop ng duda ang mga kaluluwa. Bakit ko nilikha ang mundo? naisip ng Diyos, At ang mga sagot: Hindi ko alam. Sumalungat sa kaniya ang mga [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 73 other followers