Panukalang Pagdulog sa Pag-unawa ng Tula

Humihirap ang pag-unawa sa tula dahil ang pakahulugan ng “tula” ay hindi na lamang maikakahon sa “tugma, sukat, kariktan, at talinghaga” gaya ng unang winika ni Lope K. Santos, at pinalawig pagkaraan nina Julian Cruz Balmaseda at Iñigo Ed. Regalado. Pumasok ang kaso ng “malayang taludturan” nang tawagin ni Amado V. Hernandez noong 1931 ang [...]

Sulyap sa panulaang Filipino sa panahon ng Internet

Kung noong bungad ng siglo 20 ay naging malaki ang papel ng mga pribadong publikasyon at palimbagan sa paglalathala ng mga tula at katha sa mga pahayagan, magasin, at kauri, malaki naman ang papel ng internet ngayon sa pagpapasigla ng mga tula mula sa hanay ng mga kabataan at tigulang na mahilig bumerso-berso. Pinalaya ng [...]

Dalawampung Minuto

Ano ang maisisilid sa puwang na ito? Matatangkad na gusali marahil, na magkaharap at nagkikislapan ang mga salamin, at sinumang tumingin ay malulusaw sa init. Mainit ang pagitan ng mga pader gayong napakalamig ng akondisyonadong paligid. Nanaisin ng sinumang magkabalikat na tawirin ito, panatilihin sa gunita, at sa piling ng saitan ay hahayaang matunaw ang [...]

Anos

Matutunghayan isang araw na tumatawid ka sa lansangan ng apoy at guho. Ang palasyo na tinutuluyan mo’y alaala na lamang ng abo at usok. Naubos ang mga punongkahoy at halaman sa bakuran. Humilig kung hindi man tumumba ang mga poste at pader. Nagsisilikas ang iyong mga kaanak at kapitbahay, at nag-uunahan sa pagsakay sa trak, [...]

Kuliglig at Ilaw, ni Charles Simic

salin ng mga tula ni Charles Simic. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. MGA KULIGLIG Mapapalad ang mga hindi Nauubusan ng panahon Sa kailaliman ng magdamag, Ngunit hila ang mga paa nito, Bilanggo ng sandali, Tulad ng nag-iisang layag Na nakabitin sa baybayin Habang takipsilim, May ilang kanaway Na kapiling doon sa langit, [...]

Isang Anyo ng Lagablab, ni Ophelia Alcantara Dimalanta

salin ng “A Kind of Burning” ni Ophelia Alcantara Dimalanta. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. ISANG ANYO NG LAGABLAB ito marahil ay sapagkat sa isang paraan o iba pa pinaiiral natin ang distansiyang ito magkalayo tayo gayong magkalapit sa maraming direksiyon sa sukdulang ingay kung paanong ninais natin ang parehong munting layon [...]

Isang Awit, ni Sonia Sanchez

salin ng “A Song” ni Sonia Sanchez. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. AWIT kunin mo ang aking pagkabirhen at sa pagiging nanay ay isalin maghintay ng isa o dalawang siglo at masdan ang magagawa ko. kunin ang katawan ko at iyong tatakan tahiin ang aking mga suso sa Amang Bayan maghintay ng [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 73 other followers