Tanawin at Daan Pauwi, ni Ryuichi Tamura

salin ng mga tula sa Hapones ni Ryuichi Tamura. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. TANAWIN 1 Bumulusok sa langit ang ibon Naroon ang bukid para sa isang ibong binaril noong walang katao-tao Lumabas ng bintana ang palahaw Naroon ang daigdig para sa palahaw na binoga noong walang katao-tao Naroon ang langit para [...]

Larawan ng Kapanahong Tao, ni Jorge Carrera Andrade

salin ng tula ni Jorge Carrera Andrade ng Ecuador. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. LARAWAN NG KAPANAHONG TAO Natatakpan ng mga umaawit na duyan sa magdamag ang daigdig. Nagtitipon ng mga tipak na bato ang tao para sa mga bahay ng isisilang sa hinaharap. Iginupo ng mga klima, tinahak ang mga tore, [...]

Parang Ganiyan, ni Nicanor Parra

salin ng tula ng makatang Chileno Nicanor Parra. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. PARANG GANIYAN Natatawa si Parra na tila kondenado sa impiyerno ngunit kailan hindi natawa ang mga makata? Kahit paano’y inihayag niyang tumatawa siya pinalipas niya ang mga taon ang mga taon kahit paano’y waring lumilipas hindi ito hungkag na [...]

Sulat ng Dayaray, ni Noshi Gillani

mga tula sa wikang Urdu ni Noshi Gillani. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. SULAT NG DAYARAY Ngayong natuto ang dayaray na sumulat, Maisusulat nito ang taglagas bilang tagsibol Upang itumbas ang tagsibol na paghihintay. Ngayong ang dayaray ay natutong sumulat, Maisasalin nitong sumpa ang paglalagalag At sumpain ang matatapat sa matwid na [...]

Soledad, ni Angela Manalang Gloria

salin ng tula ni Angela Manalang Gloria. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo SOLEDAD Isang sakrilehiyo, sigaw ng mga kapitbahay, Kung paano niya binasag ang bawat liníb Upang papasukin ang suwail. Hindi nila maarok Kung paanong ang babaeng hinubog ng dangal At nakasilid sa kristal na pangarap ay iwinaksi Ang kapita-pitagang panahon, o [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 73 other followers