Awit ng Sugat, ni Farrokh Tamimi

salin ng tatlong tula ng makatang Iranian Farrokh Tamimi. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. TAGLAGAS Hungkag ang pugad ng mga uwak na nasa sangang tuyot ng ubaning sikomoro. Sa himpapawid, dalawang satin-tinta ang pumatak. BUHAY Hiniwa ko ang gabi sa labaha ng umaga at isinabit ang araw sa bulawang kuwadro sa nabiyak [...]

Ang Babaeng Minamahal ko, ni Hafez

salin ng tula ng makatang Iranian na si Hafez (Khwāja Šamsu d-Dīn Muḥammad Hāfez-e Šīrāzī). salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo, batay sa saling Ingles ni Daniel Ladinsky. ANG BABAENG MINAMAHAL KO Dahil ang Babaeng minamahal ko ay nabubuhay Sa  kaloob-looban mo, Lumalapit ako sa katawan mo sa anyo ng mga salita Hangga’t [...]

Baalbek, ni Nadia Tueni

salin ng tula ng makatang Lebanes Nadia Tueni (na isinilang sa pangalang Nadia Hamadeh). salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo, batay sa saling Ingles ni Samuel Hazo. BAALBEK Kapag sinalpok ng sinag ng araw ang tuod, At namukadkad ang buwan, Batid ng mga landas ng Baalbek Ang kabughawan ng mga sayaw; Nababalot ng [...]

Taglagas Ngayon, ni Mihai Eminescu

TAGLAGAS NGAYON salin ng tula ni Mihai Eminescu. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. Taglagas ngayon, kalat sa lupa ang mga dahon, At naiiwan ang mga hamog sa may bintana; Nagbabasa ka ng lumang liham na kupas, sira, at binalikan ang iyong búhay minsan pa noon. Sa munting bagay ay nalugod kang maglustay-oras [...]

Kalungkutan, ni Rainer Maria Rilke

salin ng “Die Einsamkeit” (1902)  ni Rainer Maria Rilke. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. KALUNGKUTAN Ang pagkakalayo at pangungulila ay gaya ng ulan. Umaalimuom ito sa gabi mula sa pusod ng dagat, mula sa kapatagan, dalisdis at ilang, inaakyat nito ang langit, na siya nitong sinaunang tahanan. At kung aalis na sa [...]

Magdaragat at Isda, ni Alis Balbierius

salin ng mga tula ng makatang Lithuanian Alis Balbierius. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. MAGDARAGAT SA TABERNA Lumalalim nang lumalalim ang kopa: naging dagat ito, . . . . . . na walang matatanaw na baybayin. Kung ikaw ay gaya ng baroto, magaan kang makapaglalayag sa pulahan, sumasayaw na lalim, na ang [...]

Simula ng Pag-ibig, ni Jason Montana

salin ng tulang “Love Beginning” ni Jason Montana. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. SIMULA NG PAG-IBIG Ngayong umaga’y umimbulog ang pulang banog upang tingnan ang iyong pag-akyat sa kubling bagnos. Samantala, umaawit ako sa mga ganitong tarik ng pagmamahal na sumisibol sa Ifugaw na langit. Naglaho ang maiitim na pangkat ng mga [...]

Pagsunog ng Koran

Binubuhay ni Pastor Terry Jones, pinuno ng munting sekta ng mga Protestante sa Estados Unidos, ang sining ng prehuwisyo at poot laban sa Islam na taliwas sa dapat asahan sa isang alagad ng simbahan. Sa Setyembre 11, nakatakda niyang sunugin ang mga sipi ng Koran sa piling ng kaniyang mga alagad, upang ipagunita ang madugong [...]

Guniguning Kirot

salin ng tulang tuluyang “Phantom Pain” ni Maxine Chernoff. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. GUNIGUNING KIROT Makaraang mawala ang hita, nanatili ang kirot gaya ng emblema; kaya ang kidnaper ay hindi malilimot ang mga pabatid na ransom. Ang mataas na maninisid, na naglaho sa subway, ay binabanat nang mapagsanggalang ang kaniyang mga [...]

Mga Apotegma at Payo, ni Colette Inez

salin ng “Apothegms and Counsels” ni Colette Inez salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo MGA APOTEGMA AT PAYO Kapag may nagwikang napakapandak o napakaliit mo, sabihing di nunusok sa karton ang diyamanteng aspile. Kapag may nagwikang napakalapad ng lawas mo, sabihing ikaw ay Amazon na ganap na nakalarga. Kapag may nagwikang malalaki ang [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers