Komunikasyon at Pagsagap sa Pahiwatig

Hindi nakapagtataka kung inuulan ng batikos kahit ang ngiwi ng ating Pangulo nang maghayag ito ng saloobin hinggil sa trahedya sa Maynila. Bagaman walang intensiyon si Pang. Noynoy Aquino na makapanakit sa damdamin ng mga kaanak ng nasawi sa pamimihag ay di-naiwasang basahin ang kaniyang pahiwatig sa negatibong paraan. Bahagi ng komunikasyon ng mga Filipino [...]

Hostage

Ipinamalas ng mga telebisyon network ang kapalpakan ng paglusob ng pulisya sa bus na binihag ni Rolando Mendoza na dating pulis na pinaltalsik pagkaraan dahil sa mga kasong kinasangkutan habang nanunungkulan. Una, mahina ang punong negosyador sa pagpapalaya ng mga bihag. Pinagbigyan masyado si Mendoza sa mga hiling nito. Maganda na ang pagsisikap ni Bise [...]

Kumpisal

Kung ang katotohanan ay balaraw na iluluwal ng bibig, masasalo ba ng dibdib ang maiiwang sugat o kamatayan? Paano sasagapin ng makikinig ang kaniyang pagwawakas? Naisip niya ang gayon, isang gabi habang umiinom sa paboritong tambayan, at umiingay ang paligid sa mga espiritu ng libog at lason, at wala ang paraluman sa langit o bulsa [...]

Bugtong kong Paraluman

Salin ng katutubong ambahan na pumapaksa hinggil sa kasal, at sinulat ng di-kilalang awtor na itinala ng Mangyan Heritage Center. Salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. BUGTONG KONG PARALUMAN Bugtong kong paraluman Akin ka balang araw Di ako hihiwalay Sa iyo habang búhay. Lumayo pag namatay Ang di maiiwasan Kahit ng aking tatay [...]

Tumatakbong Babae, ni Mary Ann Waters

salin ng “Woman Running” ni Mary Ann Waters. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. TUMATAKBONG BABAE Tanaw niya ang konstelasyon ng mga melokoton, ang mismong berhel na umaangat na tila dragon na pasan-pasan sa kaniyang likod ang araw, at tumakbo siya papasok sa liwanag, ang mga sinag ay pumapaikot sa kaniyang katawan na [...]

Ang Kumbensiyon ng Malayang Taludturan

Sumiklab ang pagtatalo sa usapin ng paggamit ng malayang taludturan sa panulaang Tagalog noong dekada 1930 dahil na rin sa mga pangyayaring may kaugnayan sa pagpapanatili ng tradisyon ng nasabing panulaan samantalang rumaragasa ang pagpasok ng impluwensiyang Amerikano at Ingles sa panitikang Filipinas at pinaiiral bilang opisyal na komunikasyon sa transaksiyon ng pamahalaan, edukasyon, at [...]

Muli, ang Siglo Beynteng Realismo, ni Norman Dubie

salin ng “Again the Twentieth Century Realism” ni Norman Dubie salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo MULI, ANG SIGLO BEYNTENG REALISMO Tumingala ang lobo nang duguan ang bibig sa may sandaang usa na nakasapatos na pangniyebe—taggutom na lampas sa lawa ang lumikha sa kanila nito gaya ng panaklong na pumipintog sa de-gradong paaralan [...]

Sigwa sa Pulo

Kumikirot ang mga talampakan ng magkapatid na Rodrigo at Gerardo sa paglalakad sa gilid ng dalampasigan. Sinuyod nila ang buhanginan at batuhan upang makapag-ipon ng mga tulya, kapis, tirik, at tahong na ipinadpad ng mga alon. Tumindi ang sikat ng araw, at kumati ang tubig na tila ayaw nang magbalik sa pulo. Namatahan ng magkapatid [...]

Pagkahilig sa mga Gulod, ni Rachel Wetzsteon

salin ng “Taking to the Hills” ni Rachel Wetzsteon. salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo. PAGKAHILIG SA MGA GULOD Kung ang paglalakad, gaya ng alak, ay nagpapasulak ng lungkot, subukin natin ito, sabi ko, at ginawa ko nga: sa likod ng mga buról na ito na hindi nakababatid ng pighati ay walang mapagmuning [...]

SAWIKAAN at Wikang Pambansa

Mainit na tinangkilik ng mga akademiko, estudyante, editor, manunulat, at iba pang may malasakit sa wika ang nakaraang SAWIKAAN 2010 na ginanap noong nakaraang linggo sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. May 250 kalahok mulang hilaga hanggang timog ng Filipinas ang nakiisa, at nagpalitan ng kuro-kuro kung paano mapayayaman ang wikang Filipino. Ang Sawikaan ang isa [...]

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 72 other followers